SA nakaraang mediacon ng TV series na The Haunted sa pangunguna nina Shaina Magdayao, Denise Laurel at Jake Cuenca na simulang umere noong Disyembre 8 ay nabanggit nila na perfect bonding time ng pamilya ang manood ng telebisyon.
“Malapit na kasi ang bakasyon at hindi naman lahat umaalis ng bahay, so itong The Haunted, perfect time na mapanood ng pamilya kung nasa bahay lang sila,” sabi ni Jake.
Nagkakatawanan sa mediacon dahil malapit na ang Pasko tapos mananakot ang tatlong bida imbes na kiligin at feel good ang maramdaman nila.
Hindi naman nalalayo ang The Haunted kapag nanoood ka taun-taon ng mga pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival, hindi ba’t laging may horror movie na kasama at kadalasang nanonood ay mga magkakaibigan. At least itong serye nina Jake, Denise at Shaina ay libreng mapapanood sa telebisyon.
Samantala, naka-tsikahan namin si Denise pagkatapos ng mediacon isa dahil malapit na ang Pasko ay lagi niyang naalala kapag nakarinig na siya ng Christmas song ni Jose Mari Chan na pinapatugtog na sa radyo at malls na naging tradisyon na.
“Kapag nasa mall ka at narinig mo ang music, alam mo na,”say ni Denise.
Tinanong namin kung hindi ba nakapag-record ang singer/actress ng Christmas song noong araw.
“Not yet, but I sing for mass every Sunday eversince I was 6 years old I sing for the masses every Sunday, so I do sing Christmas songs,”sambit ng ni Denise.
Kamakailan ay naging laman ng balita si Denise tungkol sa pinagdaanan niyang sakit at inamin niyang sobrang natakot siya para sa nag-iisa niyang anak na si Alejandro, walong taong gulang na ngayon.
“Because you’re nothing but the life that you leave behind for your children. When I was younger, I thought I was indestructible. I joined musical theater when I was 6 years old. I did TV work when I was 9. I’ve been puyat ever since.
“When I was younger I was used to eating anything, because I didn’t get fat. I didn’t sleep well. I was always running on reserve batteries. I was very athletic. But as you get older, your body changes, too,” pahayag ng aktres.
Bagama’t walang bisyo si Denise ay hindi garantiya na hindi siya tatamaan ng sakit. Naabuso ang katawan niya sa sobrang pagta-trabaho at hindi pagkain ng masustansiya.
Dagdag pa, “Now, I don’t take time for granted. I maximize my time with my son. If I spend time with you, that means I really value you, especially with traffic in the Philippines these days.”
Solong pinalalaki ni Denise ang anak dahil matagal na silang hiwalay ng ama nito at aminadong hindi madali ang maging single mom pero kailangan niyang kayanin para sa anak kaya nagpapasalamat siya sa ABS-CBN dahil hindi siya nawawalan ng trabaho.
“I’m solely in charge of him, financially, spiritually, mentally and emotionally. I’m here to guide him, but I’m also preparing him to be independent. He’s going to be a man someday and will be in charge of taking care of his own family.
“I’m more purposeful now in trying to get him to be more independent. He can make mistakes, and then I’ll explain why what he did was wrong. I’ll have him choose his own path, but tell him that if he is wrong, then he should deal with the consequences. I’ll do this so that, unlike me, he won’t be afraid to live,”kuwento ni Denise.
Dating nabalitang ikakasal na sina Denise at boyfriend niyang basketbolista pero dahil sa pagkakaroon niya ng sakit ay kinol-off niya ito pero nanatiling sila pa rin ni Sol Mercado at natutuwa siya dahil close raw sa anak niya.
Anyway, abangan kung bakit minumulto ni Denise sina Jake at Shaina sa The Haunted mula sa direksyon ni Manny Palo, handog ng Dreamscape Entertainment.
-Reggee Bonoan