HABANG tinitipa namin ito kahapon ay ginaganap ang contract signing at digital conference para sa ABS-CBN Books ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa 9501 Restaurant.

Hindi na namin naihabol dito sa Balita ang tsika kung ano ang mga bagong plano ni Catriona pagkatapos niyang ipasa ang Miss Universe crown 2019 kay Ms South Africa na si Zosibini Tunzi na ginanap sa Atlanta, Georgia USA nitong Lunes.
Samantala, inanunsyo na ng Cornerstone Management na kabilang na si Catriona sa mga contract star nila.
Ang caption sa litrato ni Catriona na pinost ng Cornerstone Management, “Our journey together starts today! We are very much excited and happy to welcome you to our growing family! We can’t wait to celebrate with our Queen, Miss Universe 2018 @catriona_gray!#CatrionaGray #MissUniverse2018 #CornerstoneArtist”
Nagpadala kami ng mensahe sa executive ng Cornerstone kung ano ang projects ng dalaga sa 2020.
“No idea pa Reggs, siguro ‘yung handler niya ang mas nakakaalam pa,”sagot ni Cynthia Roque.
For the record ay magkakilala na sina Catriona at ang Presidente at CEO ng Cornerstone na si Erickson Raymundo bago pa nanalong Miss Universe ang dalaga.
Samantala, nagpadala kami ng mensahe kay Erickson para hingan ng updates kay Catriona pero hindi kami sinagot.
May post na litrato si Erickson na magkasama sila ni Catriona nitong Disyembre 9 sa Atlanta, Georgia USA.
Ang caption ay, “I’ve been sick since I got here in the US and I just stayed on bed for 4 days but thank God, I got better today and was able to watch Miss Universe live. It was thrilling to watch @catriona_gray win the title last year and it’s so heartwarming to see her pass the crown today. But for us, Cat, you will always remain and stay as our Queen. Now we can’t wait to see what’s in store for you in the coming months. #catrionagray #missuniverse”
-REGGEE BONOAN