MULING napatunayan ng kabisera ng Benguet, ang La Trinidad, ang kahandaan nito sa pagresponde sa panahon ng kalamidad, matapos nitong muling makuha sa ikalawang pagkakataon ang 2019 Kalamidad at Sakuna, Labanan Sariling Galing (Kalasag) award— municipal category.

Tumanggap ang bayan ng plake at cash prize mula sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Sa pagbabahagi ni Albert Mogol, regional director ng Office of Civil Defense ng Cordillera Administrative Region (CAR) sinabi nitong ang iba pang nanalo sa rehiyon ay kinilala rin sa national awards.

“Kalasag is regional and national search that recognizes local government units, private society organizations, DRRM practitioners, hospitals that soars in the field of disaster response, reduction and management,” ani Mogol.

Kabilang dito ang Mountain Province para sa provincial DRRM category; University of the Cordilleras (UC) para sa higher education category; at ang Epiphany Elementary School para sa private elementary school category.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay?

Ayon kay Mogol, pinili sa mga kalahok ang kanilang kahandaan, kompletong kagamitan, at pagtugon sa kalamidad. Sinilip din dito ang kanilang mga naging proyekto na nakadisenyo para mapigilan ang epekto ng mga kalamidad sa lugar at ang taunang investment plan para sa DRRM. Habang sinuri rin ang mga kamaliang kailangang baguhin.

Ibinibigay ng NDRRMC ang parangal upang makamit ito ang hangarin na zero casualty sa panahon ng kalamidad sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok.

Ani Mogol, dumarami na ang mga grupo at lokal na pamahalaan na sumasali rito.

“Our participation increased by at least five this year and from three national awards in 2018, we have five this year,” pahayag ni Mogol.

Sa isa namang panayam kamakailan, sinabi ni La Trinidad Vice Mayor Roderick Awingan, na ipinapakita lamang ng kanilang nakamit na parangal ang magandang trabaho ng lokal na pamahalaan sa implementasyon ng mga programa at proyekto nito.

Ilalagay naman, aniya, ang napagwaging premyo sa isang trust fund.

“The DRRM council will identify where the money will be used and recommended to the legislative body for approval and disbursement,” pahayag ni Awingan.

Pagbabahagi pa ng Bise Alkalde, ang natanggap na salapi ng La Trinidad noong 2018 para rin sa napanalunang award ay ginamit sa pabili ng mga kagamitan para sa DRRM communication at information surveillance command center. Naglagay na rin sila ng mg closed circuit television cameras na konektado sa DRRM center.

PNA