KATUMBAS ng gintong medalya ang pilak na nakamit ng Philippine men’s volleyball na naghintay ng 42 taon bago makasikwat ng panalo buhat sa Southeast Asian Games (SEAG).
Lumuhod man sa Indonesia ang Pilipinas sa dominanteng iskor na 25-21, 27-25, 25-17 panalo sa pagsabak ng mga ito sa ika-30th edisyon ng SEAG na giananp sa Philisports Arena sa Pasig, kamakalawa, ay masaya pa rin ang buong koponan dahil sa nasabing panalo.
“We had problems with our performance. The Indonesians showed more experience in this level. But we’re still proud of this silver medal finish. We will just have to keep this program going for us to reach a new level in the international scene,” pahayag ng head coach ng men’s nationals na si Dante Alinsunurin.
Bagama’t nagpakita ng lakas ang tropa ng Indonesia na sa pamamagitan ng kanilang mga bataan na sina Rivan Nurmuki, Doni Haryono, Sigit Ardian at Putu Randu, hindi naman agad na sumuko sina Marck Espejo at Bryan Bagunas, katuwang sina na nagtala ng tig-15 at 11 puntos, habang si Rex Intal naman ay may siyam na puntos.
Tumipa naman ng kumbinsidong 20 puntos si Haryono para sa mga Indonesians kasama ang 29 attack attempts.
Si Nurmukli naman ay nag-ambag ng 17 puntos, habang si Ardianay may 11 puntos na idinagdag.
samantala, naiuwi naman ng Thailand, ang bronze medal kontra Myanmar sa 25-23, 25-16, 25-20 panalo.
-Annie Abad