ANG mahal pala ng national costume ni Michelle Dee! Umabot sa P1.3M ang disenyo ni Francis Libiran na two months ginawa at 60 katao ang nagtulung-tulong para magawa at matapos. Worth it ang pagod ng lahat at ang milyones na ginasta dahil ang ganda-ganda ng gown at sana, manalo ng National Costume si Michelle at manalo siyang Miss World.

Michelle- nitz

Masaya ring ibinalita ni Michelle na pumasok siya sa Top 40 at big feat ito dahil marami ang candidates from different parts of the world.

Post ni Michelle: “It’s been such a proud moment for us today mga kababayan as we’ve officially secured a spot in the Top 40 through the Head to Head Challenge. Not just that but my Beauty With A Purpose project made it to the final 20 as well (@autismphils)! #AOKPH.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Sa Saturday na, 10 p.m., ang Miss World Coronation Night na mapapanood sa GMA-7.

-NITZ MIRALLES