BILIB si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabayanihan na ipinamalas ng SEA Games Filipino surfer na si Roger Casugay sa ginawa nitong pagsagip sa kalabang Indonesian surfer na si Arip Nurhidayat.
Iniligtas ni Casugay si Nurhidayat mula sa malalaking alon habang nasa kalagitnaan ng kanilang laban sa 3rd round ng surfing men’s longboard competition sa La Union.
Personal na pinasalamatan si Casugay ng Pangulo sa ginanap na courtesy call kasama ang iba pang Philippine surfing team sa Kalayaam ground sa Malacanang kamakalawa ng gabi.
Batay sa video na ipinadala ng Presidential Communication Operation Office, makikitang magkasamang nagpakuha ng litrato sina Pangulo at Casugay at ang Philippine Surfing Team.
Matatandaan na nag viral sa soci media ang pagiging bayani ni Casugsy dahil sa halip na ipursigi nito ang kanyang laban para makuha ang kayang medalyang ginto ay mas pinili nitong sagipin ang kanyang kalaban nang maputol ang tali ng surf board na dahilan ng pagkabuwal at lamunin ng naglalakihang alon.
Si Casugay ay bibigyan ng Pangulo ng order of Lapu Lapu award sa December 18 sa Malacanang.
-Beth Camia