PRODUKTIBO ang kampanya ng Team Philippines sa beach volleyball competition ng 30th Southeast Asian Games.
Sa suporta ng sambayanan, matikas na nakihamok ang atletang Pinoy sa Subic Tennis Courts tangan ang battlecry #Sambansa.
Nakopo ng tambalan nina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Dzi Gervacio and Dij Rodriguez ang minimithing medalya sa unang pagkakataon sa nakalipas na 14 na taon.
Hindi rin nagpahuli ang men’s squad na binubuo nina Jude Garcia, Jaron Requinton, Edmar Bonono at James Buytrago.
“This has been such a historic feat for Philippine Beach Volleyball and we dedicate this win to our fellow Pinoy athletes who have sacrificed a lot to pursue what they love doing the most. We also dedicate this win to our Philippine Volleyball Community, who has continuously given us the strength and support to power through. Maraming salamat, Pilipinas!,” pahayag ni team manager Charo Soriano.
Napantayan ng Rebisco-backed Philippines side ang 2005 bronze medal finish nina Fil-Ams Heidi Ilustre at Diane Pascua.
“We are so thankful for our sponsor, unang una ang Rebisco. Natupad pangarap namin na makapaglaro ng maayos dahil sa kanila,” sambit ni Gervacio.
Laban sa matitikas na koponan, nakausad sa semifinals ang Pinoy sa unang pagkakataon mula noong 2007 (Parley Tupaz at Rhovyl Verayo). Matapos matalo sa Thailand sa semis, ginapi ng Philippines ang Singapore, 2-1, para sa bronze medal.
Humirit din sina Rondina at Pons ng bronze sa women’s side.
-Marivic Awitan