MAINIT na usapan ngayon ang sinasabing mawawala raw sa susunod na taon ang pinakasikat na TV network ng Pilipinas, ang ABS CBN channel 2. Hindi na raw kasi pumayag si Presidente Duterte na i-renew ang Kapamilya network.
Kaya nang mapasyal kami sa Kongreso ay ito agad ang isa sa mga naitanong naming sa isang mambabatas na binayayaan ng isang sa mataas na posisyon sa mababang kapulungan.
Napailing na binanggit niya sa amin na maaaring hindi raw mangyari yun. Ayun pa sa ayaw magpabanggit ng pangalan na mambabatas ay marami raw naman sa kanila ang tutol sa nasabing isyu pero hindi rin daw naman maalis na meron ding very loyal sa administrasyon.
Banggit pa rin sa amin ng mambabatas na maaring may makialam daw na isang malapit na malapit kay Pangulong Duterte at maaring magbago raw ang desisyon ng huli.
May binanggit pang source ang kausap namin na nakarating na raw sa kanya na ang dating senador Manny Villar ay interesado na pakialaman ang pamamahala ng numero unong istasyon ng bansa, huh!
Dagdag pa rin ng kausap namin malaki raw ang pag-asa na mabago pa raw ang desisyon ni Duterte kung sakaling panghimasukan ito ng mga Villar. Ayun pa rin sa source namin na kailangan daw kasi ni Manny Villar ang tulong ng network dahil sa napipintong pagbabalik pulitika ng dating senador.
Matandaang tumakbong pangulo last 2010 elections si Villar pero natalo inspite of sa napakalaking pera na meron sila, huh! Bukod pa rin naman sa asawang si Senator Cynthia Villar ay isang mambabatas na rin ngayon ang anak nilang si Camille Villar at kasalukuyang head ng Public Works and Highways ang isa pang anak na si Mark, huh!
Lahad pa rin naman ng source namin, na bukod daw sa mga Villar ay marami rin naming negosyante ang nagpapahayag nang interes para sa kapamilya network. But still Kongreso pa rin naman daw ang magdesisyon na kung saan may pro-ABS pa rin naman daw sa mga kasamahan nila, huh!
-JIMI C. ESCALA