MARAMI ang nag-udyok ngayon kay Manila Mayor Isko Moreno na tumakbong Pangulo sa darating na presidential election pero pa iling-iling lang si Yorme Isko at mas gusto raw niyang pagtuunan nang pansin ang Manila kung saan santambak ang problema ng kapitolyo ng bansa.
Pero nang makausap namin si Congressman Yul Servo na isa sa pinakalapit sa alkalde ng Maynila ay mas pabor daw siyang tumakbong Pangulo si Mayor Isko.
“Sa totoo lang kung ang presidente natin eh, bata na kagaya ni Yorme, mas maraming mapuntahan at maraming mabisita na mga lugar kung saan andun ang problema,”bungad pang banggit ni Cong. Yul
Dagdag pa ni Yul, sa istilo at sa utak meron si Mayor Isko ay nagawa nitong baguhin ang Maynila sa napakaikling panahon lang. Kumbaga, maraming magagandang nangyayari ngayon daw sa Maynila na hindi raw nagawa nung mga nakaraang administrasyon.
“ Yun ang madaling sulosyun na nangyari sa maynila na may mga problema. Nakapagbaba siya ng mga lugar na kailangan ang immediate na sulosyon agad.. Nababaan niya ang tulong na pang araw araw na kailangan ang mga constituents namin.
‘”Yun ang lamang talaga ng mas bata,”lahad pa rin ng mambabatas ng pangatlong distrito ng Tondo.
Naniniwala si Cong. Yul na napakalaki ng potensiyal ni Mayor Isko na maging president ng Pilipinas.
“Sabi naman niya sa amin na hanggat mainit bakit hindi sunggabin. Sa tingin ko naman sa paglilingkod sinasabi nila na bata at hindi pa hinog, sa tingin ko,eh, hinog na si Yorme Isko at hindi na rin naman kailangan nang hinog na hinog para maglingkod sa bayan.
“Ang importante, may puso, sincere, may isip, may tapang may political will at ang lahat ng mga sangkap na yan, eh, na kay yorme Isko,”deretsahang banggit pa agad ni Cong. Yul.
Samantala kinamusta na rin namin ang showbiz life ngayon ng isang Cong.Yu.
“Well, paminsan pa guest guest lang. Mahirap tumanggap ng teleserye, kailangan tutok ka at maraming oras na makakain, may ginagawa ako ngayon yon may ginagawa ako ngayon na isang advocacy series para sa pang iskwelahan pero labor of love lang yun,”napatawang banggit pa rin ni Cong. Yul.
Kumusta naman ngayon ang lovelife niya?
“Well, mas okey ang lovelife ko,eh, okey na okey, lima na ang anak ko sa isa lang talagang asawa ko. Ngayon magkaroon pa kami ng isa pa ulit. Bale may 21, years old ang panganay naming, then 16, 15, 12 at 2 years old.
“Yun nga lang , walang may hilig sa kanila na sumunod sa pulitika or pati sa showbiz walang may gusto sa kanila,” sey pa ni Yul.
-Jimi C. Escala