YUP, naging emotional si Bianca Umali sa kanyang bagong project na ibinigay sa kanya kamakailan lamang ng GMA Network.

Bianca

Hindi talaga napigilan ng Kapuso actress na si Bianca na maging emosyonal matapos mapili bilang bida sa pinakabagong season ng HBO Asia series na Halfworlds.

Inamin ng aktres na hindi raw niya inaasahang makukuha siya para sa lead role ng dark action fantasy series.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa katunayan, itinuturing niya itong pinaka-malaking achievement sa kanyang showbiz career.

Kuwento ni Bianca: “It was actually by far, the biggest, biggest day of my whole life. Everyone saw it kung paano ako natulala because I was so overwhelmed.”

Maagang naulila si Bianca pero naniniwala siya na hanggang ngayon ay ginagabayan pa rin siya ng kanyang mga magulang,

“Ang paniniwala ko is malaking bagay yung mommy and daddy ko in heaven.

“Growing up along, I learned things the heardest way possible, but still eto pa rin ang mga binibigay nila sa akin.”

Niwey, congratulations, Bianca!

-MERCY LEJARDE