AMINADO naman si Sir Rams David na nalungkot silang lahat nang ibalita sa kanila na mawawala na sa ere ang kanilang Sunday Pinasaya na mag last airing na this coming Dec. 29.
Pero ang pinaka malungkot daw sa lahat at napaiyak pa ay ang comedy queen na si Ms. Ai Ai Delas Alas.
“Well, siyempre, naiyak din kasi halos lahat, parang may nagsabi na four years na rin kami na parang it’s like attending a school year, na high school o college graudation, sey pa ni Sir Rams nang makausap naming sa GMA istudyo.
Dagdag pa rin ng isa sa mga bosing na kapuso network na sapat na rin naman daw ang apat na taon.
“Sa akin lang, eh, apat na taon na rin naman kaming magkakasama so, ngayon,eh, graduation na. pag ganun,eh, pag high school o college graduation parang nakakaiyak talaga pag maghihiwa-hiwalay na,” lahad pa rin ni Sir Rams.
Totoo bang si Ms. Ai Ai daw ang pinaka apektado sa kanilang lahat?
“’Di naman apektadong apektado. Sa totoo lang naman kasi, eh, siya ang unang umiyak talaga kasi siyempre, siya ‘yung nanay nanayan namin dito. Siya yung .. I mean she’s the comedy queen.. so talagang hindi mo maialis sa kanya yun,”sey pa rin ni Rams.
Dagdag pa rin naman ni Rams na alam din naman daw ng lahat ang kontrata ng show nila.
“Alam naman kasi, eh, parang,alam naming kasi na it’s contractual kasi ‘yung show,” paliwanag pa rin ni Rams.
Banggit pa rin ng kausap naming na isang Blocktimer ang show nila sa kapuso Network at produced ito ng APT Entertainment kung saan isa sa namamahala si Mr. Rams David.
-Jimi C. Escala