THIS Tuesday naka-schedule ang storycon ng musical show ng GMA-7 na ipapalit sa Sunda y Pinasaya na ma y pamagat na All Out Sunday at sa January 5, 2020 na ang pilot airing. Batay ito sa kumalat online na post ng mga kasama sa show ng logo na “01-05-2020 #AyOS.

Paolo, LJ at Baby Summer

Isa sa makakasama sa All Out Sunday ay si Paolo Contis na kasama rin sa Studio 7 at may sarili siyang segment na controversial, p e r o nakakaaliw. Parang ililipat sa Al l Out Sunday ang segment ni P a o l o n a ang mga na-interview ay takot sa mga itinatanong nito.

N a g - post si Paolo ng logo ng All Out Sunday na may hashtag na #AyOS at may kasamang caption na #AyOS sa 2020.”

Tsika at Intriga

'Bawal pikon dito!' Jellie Aw, 'game' sa round 2 bugbugan kay Jam Ignacio

Tingnan natin kung totoo na si Paolo Valenciano ang director ng All Out Sunday na creative director din ng Studio 7. Karamihan sa mainstay ng Studio 7 ay kasama sa All Out Sunday, kaya tatapusin na yata ang Saturday musical show ng GMA-7.

Speaking of Paolo, gusto ng followers niya sa Instagram (IG) ang video post nila ng anak nila ni LJ Reyes na si Summer. Aliw ‘yung #Acting101 nilang mag-ama, napapatawa ni Summer ang IG followers ni Paolo at ang request nila, more videos pa sa mag-ama.