IMBITADO pala sa gaganaping red carpet premiere ng Miracle in Cell No.7 ang Korean aktor na si Ryu Seung-ryong, ang gumanap sa Korean movie na ginawan ng remake ng Viva Films na pagbibidahan ni Aga Muhlach.

aga1

Ayon mismo sa Viva Vice President for Marketing na si Ms Leigh Legaspi ay matagal na nilang inimbitahan si Mr. Ryu Seung-ryong at itse-check pa ang schedule nito kung kakayanin dahil abala rin.

“Pero ‘yung Korean producer, nagsabi ng darating siya,”saad ni Ms Leigh nang makausap namin sa ginanap na grand mediacon ng Miracle in Cell No. 7, entry sa 2019 Metro Manila Film Festival na idinirek ni Nuel Naval.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Nabanggit naman ni Aga na textmates sila ng Korean actor at binati pa nga siya sa magandang pagkakagawa ng pelikula base sa trailer na napanood nito.

Iisa ang hula ng lahat at sa tingin nila ay walang makakalaban si Aga sa pagka-Best Actor sa MMFF awards night kaya naman hindi nawawala ang ngiti sa labi ng hubby ni Charlene Gonzales- Muhlach.

Marami rin ang nakapansin na sa rami ng pelikula ni Aga na pino-promote niya ay itong Miracle in Cell No. 7 ang rave na rave siya at talagang itataya niya ang buhay niya sa ganda ng pelikula.

Aniya, “Ito talaga, hindi masasayang ang ibabayad n’yo sa sinehan kapag nanood kayo ng ‘Miracle’. At natutuwa kami dahil bukod sa for General Patronage ito, Grade A din kami sa CEB.”

Ang unang best actor award ni Aga sa MMFF ay noong 1993 sa pelikula nila ng ex-girlfriend niyang si Aiko Melendez na May Minamahal.

At heto pagkalipas ng 26 years ay muling mapapanood si Aga sa MMFF movie? Inamin ng aktor na gustung-gusto niyang magkaroon ng pelikulang kasama sa MMFF dahil na-miss niya at gusto niyang makasama ang mga sikat na artista ngayon.

At sakto in-offer kay Aga ang Miracle in Cell No. 7, “I told Boss Vic (del Rosario), ‘Boss Vic, pag hindi tayo natanggap (sa MMFF), ‘wag na nating gawin ang pelikula.’ Kaya may deal ‘yun. Kaya we waited for that.

“Bakit ko pangarap na makasama (sa MMFF)? Kasi, gusto kong makasama ‘yung mga pinagkakaguluhan ng mga artista ngayon, like sina Vice (Ganda), sina Coco (Martin), sina Vic Sotto, kasi pag pinag-uusapan p a r a t i ‘yan, sabi ko, ‘ang sarap siguro silang makasama.’ Parang ganu’n. “So, parang ‘yun ang pinapangarap ko, sana magkaroon ako ng pelikulang ganu’n na parang. Feeling ko, mas less pressure ang festival kesa mag-showing ka sa gitna ng taon. Kasi, puro ganu’n ako, eh.

“Kasi, ang festival has its own promo. Like people are waiting for Christmas and people watch movies, di ba? Hindi ‘yung in the middle of the year, magpo-promote ka ng pelikula mo at magdadasal ka talaga, mangangarap ka na sana, kumita talaga ‘yung pelikula mo.

“So, para mapabilang kami sa malalaking pelikula is malaking bagay para sa aming lahat.”

At wala rin sa bokabularyo ng aktor ang salitang kumpetisyon.

“Even before when I was younger, you know, they competed me with actors, tuwing na lang may bagong artista, sa akin ikukumpara, iku-compete sa akin, igaga-ganu’n.

“Hanggang minsan nga, 40 plus na ako, ikinu-compare ako sa 20-year-old na bago, parang sabi ko, ‘tama na,’ sabi ko, ‘ibigay na natin sa kanila ‘yan.’

“So, now, I’m just happy, sabi ko nga, grateful ako na makahanay kami, itong maliit naming pelikula, sa mabibigat naming kalaban. I mean, not kalaban but kasama sa 8 pelikula sa Metro Manila Film Festival,” paliwanag ni Aga.

Samantala, bukod kay Aga ay kasama rin sina Mon Confiado, Soliman Cruz, Xia Vigor, Joel Torre, JC Santos, Bela Padilla, Jojit Lorenzo at John Arcilla.

-Reggee Bonoan