APAT sa limang sumalang na Filipino fighters ang nanaig sa kani-kanilang karibal upang makapasok sa gold medal match ng kickboxing competition Linggo ng gabi sa 30th Southeast Asian Games sa Cuneta Astrodome.

PERSONAL na siniguro ni Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) president Senator Francis 'Tol' Tolentino na naibigay sa atletang Pinoy ang lahat ng kailangan bago ang kanilang pagsalang para sa minimithing medalya ng sambayanan sa kickboxing event ng 30th SEA Games.

PERSONAL na siniguro ni Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) president Senator Francis 'Tol' Tolentino na naibigay sa atletang Pinoy ang lahat ng kailangan bago ang kanilang pagsalang para sa minimithing medalya ng sambayanan sa kickboxing event ng 30th SEA Games.

Siniguro nina Cordilleran natives Gina Iniong at Renalyn Daquel na makapag-aambag ang kickboxing sa hakot na medalya ng Team Philippines sa impresibong panalo sa kani-kanilang semifinals match.

Ginapi ni  Iniong si Lai The Nga ng Vietnam, 3-0, sa women’s 55kg kick light category, habang umusad si Daquel nang pataubin si Indonesia’s Lumban Gaol P.H,  via second round referee-stopped-contest victory sa women’s -48kg full contact class.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It’s a nice feeling to see your training bearing fruits. The training is really taxing,” pahayag ni Dacquel.

Matikas ding nakihamok ang kababayang Cordillerans na sina Jerry Olsim at Jomar Balangui kontra kina Indonesia’s Efendi Serial sa 69kg kick light category at Khem Chann ng Cambodia sa 54kg low kick category, ayon sa pagkakasunod.

Makakaharap ni Olsim para sa gintong medalya si Klinming Sarayut ng Thailand, mapapalaban si  Balangui kay  Vietnam’s Pham Ba Hoi, habang masusubok ang lakas ni Daquel kontra Nguyen Thi Hang ng Vietnam.

Lalaban naman sa semifinals si Jean Claude Saclag kontra Nguyen The Huong ng Vietnam sa 63.5kg low kick category, target ang panalo upang makasama sa tropa para sa gold medal round. Nakatakda ang Finals als-4 ng hapon ng Lunes.

Ikinalugod ni  Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) president Senator Francis ‘Tol’ Tolentino ang determinadong kampanya ng Pinoy fighters at hindi nila binigo ang sambayanan sa kompetisyon na unang isinagawa sa kasaysayan ng biennial meet.

“Iyan ang Pinoy, lumalaban at hindi sumusuko, napakaraming challenges at kahit ako kinabahan din pero ipinakita ng ating mga atleta na basta Pinoy lalaban. Congratulations sa inyo!” pahayag ni Tolentino.