KAPANSIN-PANSIN ang unti-unting pagbabago ng Miss Universe sa isang platform kung saan sinusubok ang mga kababaihan sa kanilang intelligence, charm, at eloquence at hindi lamang para sa kanilang ganda at pigura ng katawan.

Ito ang analysis ng ilang local beauty pageant experts matapos nilang masubaybayan ang tatlong oras na 2019 Miss Universe contest mula sa Atlanta, Georgia linggo ng gabi. (Monday morning, Manila time).

Si Zozibini Tunzi ng South Africa ang kinoronahang 68th Miss Universe mula sa 90 kandidata na naglaban-laban. Si Miss Puerto Rico ang itinanghal na first runner-up at si Miss Mexico, second runner-up.

Umabot naman si Miss Philippines Gazini Ganados sa top 20, at bigong makapasok sa top 10, ang unang pagkakataon para sa Pilipinas sa loob ng 10 years.

Tsika at Intriga

‘Stalker, scammer?’ Xian Gaza, naglabas ng himutok sa ermats ni Ella Cruz

“It’s not the question of who’s beautiful or not. This time the pageant focused on intelligence and fluency of the girls in expressing themselves,” ayon sa isang pageant expert na tumangging magpabanggit ng pangalan, sa Owners Circle, Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, kahapon.

Dagdag pa nito:”The contestants were given moments on sharing their views and ideas on various social issues which is important.”

“There were so many contestants who look like Barbie dolls and they are so beautiful but did not make it in the finals,” pagbabahagi pa ng pageant expert.

Ngayon taon naman ang pinakamaikling panahon ng pananatili ng Miss Universe pageant sa host country.

“In recent years, the Miss Universe contestants would usually stay in the host country for three weeks. This time they have chosen the winners in less than two weeks,” pahayag ng pageant expert.

Tapos na ang mga araw kung saan ibinibigay ang special awards sa Miss Universe kabilang ang Miss Friendship at Miss Photogenic. Tinanggal ngayong taon ang mga special awards.

“The last part of the show known as the closing statement is another first for the prestigious pageant,” komento pa nito.

Si Tunzi, 26, ay isang passionate activist at nagsusulong laban kontra sa gender based violence, base sa kanyang bio.

Nakatuon naman ang social media campaign ng bagong Miss Universe sa pagbabago ng pagtingin ng lipunan sa gampanin ng kababaihan. Isang proud advocate for natural beauty si Zozibini, na humihikayat sa mga kababaihan na mahalin kung sino at ano sila.

August 9, nang mapili si Zozibini bilang kinatawan ng South Africa sa 2019 Miss Universe pageant ng panel of judges kabilang si 2018 Miss Universe Catriona Gray at 2017 Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters.

Si Zozibini ang ikaanim na black Miss Universe na nakapag-uwi ng korona.

Una nang nagwaging black Miss Universe sina : Leila Lopes (2011), Angola; Mpule Kwelagobe (1999), Botswana; Wendy Fitzwilliam (1998), Trinidad and Tobago; Chelsi Smith (1995), USA; at Janelle Commissiong (1977), Trinidad and Tobago.

-ROBERT R. REQUINTINA