CAPAS, Tarlac -Naglista ng isang panibagong record ang pambato ng bansa na si Kristina Knott matapos na magreyna sa women’s 200-meter sa pagpapatuloy ng 30th Southeast Asian Games Sabado ng gabi sa New Clark City Athletics Stadium dito.

Naungusan ni Knott ang defending champion na pambato ng Vietnam na Le Cu Thinh matapos na tumakbo ito sa bilis na 23.01 segundo sa orasan na siyang bumasag sa dating record ni Supavadee Khawpeag ng Thailand na 23.30 noong 2001 sa Malaysia SEA Games.

Nauna dito ay binasag din ng 23-anyos na si Knott ang matyagal nang national record ng dating Asia’s Sprint Queen na si Lydia de Vega na 23.50 na naitala niya sa isang kompetisyon sa Walnut California.

“I was really gunning for the Olympic (qualifying) time but tensed near the end. I least a got a gold out of it. I was just running against the clock and thought of nothing else,” ayon kay Knott.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tumapos ang defending champion na si Thinh ng 23.45 segundo para sa silver at ang pambato naman ng Singapore na si Veronica Perreira ay tumapaos ng 23.77 segundo para sa bronze.

Pagkatapos ng ratsada ni Knoot, sumunod naman ng nagbigay ng karangalan para sa Pilipinas ang pole -vaulter na si Ernest John Obiena matapos na basagin din ang matagal nang record sa nasabing event, sa pamamgitan ng kanyang 5.45 meters na paglundag para sa gintong medalya.

Si Obiena na pambato din ng bansa para sa 2020 Tokyo Olympics ay nilampasan ang dating record na 5.35 meters ng defending champion na si Porranot Purahong ng Thailand na nagtapos lamang silver sa nasabing labanan sa kanyang 5.20 paglundag habang ang pambato ng Malaysia na si Iskandar Alwi ay tumapos ng 5.00 meter para sa bronze.

Sinubukan din ni Obiena na lundagin ang 5.55 attempt ng tatlong ulit ngunit bigo ito ma kaabot sa nasabing marka bagama’t nakakuha ng buong suporta sa mga Pilipinong manonood sa nasabing stadium.

-Annie Abad