KALIWA’T kanan ang raket ngayon ng komedyanang si Kitkat Favia dahil kailangan niyang mag-ipon para sa operasyon ng tatay niya sa madaling panahon.

Kaya pala apat na oras na lang parati ang tulog ni Kitkat dahil nauubos ang oras niya sa kakabiyahe mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

“Oo, eh, kaya hangga’t kaya ko, go lang ng go, kasi nga ‘di ba, itong mga booking ko ngayong buong December, nakuha ko na lahat at nagamit ko nu’ng namatay si mama (lola niya), kaya itinutuloy ko na lang, pero may mga pumapasok naman kaya ‘yun ang extra ko, thank God sa blessings,” bungad ni Kitkat sa ginanap na contract signing ng bago niyang ini-endorsong 24 Alkaline-C at 24 Alka- White Glutathione mula sa Em-Core Dotnet.

Kasama ni Kitkat sa contract signing sina CEO Chief Executive Officer/Owner- Ibay Reyes; CFO Chief Finance Officer/ Owner - Reynaldo Panaligan; President/Owner- Sheryll Edman.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

Dagdag pa, “alam n’yo na kung bakit hindi ako nagkakasakit, walang kiyems ‘to, ito talaga iniinom ko, nu’ng nagka-flu ako kasi wala talaga akong tulog, itong Alkaline-C ang iniinom ko as in, nakaka more than 3000 mg ako or more, hayun paggising ko wala na, malakas na.”

Kilala si Kitkat na bago tumanggap ng produktong ini-endorso ay sinusubukan muna niya dahil ayaw niyang masabihang pera-pera lang.

“Ito honest, matagal na akong gumagamit nitong Alka-White glutathione, kaya nga ‘yung ibang nag-o-offer sa akin hindi ko tinatanggap kasi may iba na akong ginagamit at napatunayan ko ito,” say ng tisay na aktres/singer.

Kami ang naguluhan dahil endorser siya ng Belo Medical Group na isa sa services nila ay ang pagpapaputi ng mga client, may glutathione product din ang ini-endorso niyang Beautederm at iba pa na kung papangalanan lahat ay kulang ang pahinang ito.

“Actually, sa Belo, clinic naman ako roon, facial at iba pa, wala naman akong product na ini-endorso, mismong clinic, sa Beautederm naman, ‘yung Slender Sips Slimming Coffee naman, iba rin ‘yun. Hindi naman ako inalok ng gluta kasi alam ni mommy Rei (Tan) na may iba na akong ginagamit.

“Sa totoo lang ate Regs, maraming nag-offer na, pero itong Alka-White lang gusto ko kasi totoo at approved ng FDA, Superbrands pa at higit sa lahat, Halal kaya safe.

Marami kasing nago-offer na hindi naman approved pa, so nakakatakot, di ba? Saka iilan lang ang in-approve ng FDA na gluta distributor,”paliwanag mabuti ni Kitkat.

May ipinakita naman sa amin ang taga Em-Core Dotnet na diabetic patient at nakatakda nang putulin ang kaliwang paa pero nag-iipon pa dahil malaki ang gagastustin.

“Ang galing di ba ate Reg, ‘pinayuhan muna siya ng in-house doctor ng Em-Core na mag take muna ng Alkaline C for 50 caps a day and after ilang buwan, hayun tuyo na at nakakalakad na. Kaya dapat bago ka mag-alok ng mga ganito, may duktor kayo para kapani-paniwala,” sabi pa ng aktres.

Tinanong namin si Kitkat kung puwedeng painumin ang daddy niya ng Alkaline-C para sa sakit nito, “Pwedeng-pwedeng po pero scheduled na kasi operation ayoko na rin patagalin para ‘yung pag wiwi niya maginhawa na rin, 85 percent na kasi ng wiwi niya ang ‘di lumalabas.”

At dahil 85% na ang ihi na hindi lumalabas kaya apektado na ang kidney ng ama ng aktres, “Yes po kaya namamaga po kidneys niya after operation 2 weeks siya mag catheter pa. 5 days sa hospital,”sabi pa sa amin.

At sa darating na Martes o Miyerkoles nakatakdang operahan ang tatay ni Kitkat sa St. Lukes Quezon City.

-Reggee Bonoan