NI Edwin Rollon

HABANG nakatuon ang pansin ng sambayanan sa hataw ng atletang Pinoy sa 30th Southeast Asian Games, tahimik na dumating sa bansa mula sa matagumpay na kampanya sa Birmingham, England si John Riel ‘Quadro Alas’ Casimero – ang bagong World Boxing Organization (WBO) Bantamweight Champion.

IPINAGKALOOB ni Games and Amusement Board (GAB) Commissioner Mar Masanguid ang sertipiko ng pagkilala kay newly-crowned WBO Bantamweight champion John Riel Casimero, kasama sina Commissioner Ed Trinidad, Chairman Baham Mitra at mga empleyado ng ahensiya sa isinagawang ‘Hero’s Welcome’ sa bagong kampeon nitong Biyernes sa GAB office sa Makati City.

IPINAGKALOOB ni Games and Amusement Board (GAB) Commissioner Mar Masanguid ang sertipiko ng pagkilala kay newly-crowned WBO Bantamweight champion John Riel Casimero, kasama sina Commissioner Ed Trinidad, Chairman Baham Mitra at mga empleyado ng ahensiya sa isinagawang ‘Hero’s Welcome’ sa bagong kampeon nitong Biyernes sa GAB office sa Makati City.

Sa pangunguna nina Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, at Commissioners Mar Masanguid at Ed Trinidad ng Games and Amusement Board (GAB) pinagkalooban si Casimero ng ‘hero’s welcome’ nitong Biyernes kasama ang mga empleyado at tagasuporta sa GAB office sa Makati City.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Impresibo ang panalo ni Casimero via third round technical knockout laban sa pamosong si Zolani Tete ng South Africa nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Arena Birmingham sa England.

Itinigil ng referee ang labanb may 2:14 ang nalalabi at idineklarang bagong Pinoy champion si Casimero. Napahanay siya sa listahan ng mga Pinoy na nakapagwagi ng world title sa tatlong weight division: IBF World Light Flyweight, IBF World Flyweight, at WBO Bantamweight.

“Masayang-masaya kami sa GAB at madadagdagan na naman ang ating boxing heroes. Mayroon na tayong apat na boksingero na nagchampion sa tatlong magkakaibang weight classes—si Senator Pacquiao, Donnie Nietes, Nonito Donaire at ang ating bagong kampeyon na si John Riel Casimero. Talaga namang maituturing na isang positibong balita ang panalo ni John Riel para sa mga atletang Filipino na lumalahok sa Sea Games ngayon dahil ang pagkapanalo niya [Casimero] ay isang testament na kaya ng isang Pinoy na manalo sa isang professional world title match. Higit sa lahat, isa itong patunay na hindi humihina ang boksing sa Pilipinas,“ pahayag ni Mitra.

Ikinalugod naman ni Casimero ang ibinibigay na suporta at pagkalinga ng GAB sa mga Pinoy fighters, higit sa mga nagsisimula pa lamang magkaroon ng pangalan.

“Everybody thought that Tete was indestructible. Sabi pa nila maliit at maiksi si John Riel pero hindi nila alam na isang Filipino boxer pala ang tatapos at tatalo kay Tete.  Kaya maraming salamat sa ating kampeyon sa pag-uwi ng regalo para sa ating bansa bago matapos ang taon,” pahayag ng dating Palawan Governor at Congressman.

Ayon kay Mitra, nakikipag-usap na ang kampo ni Casimero para sa posibleng ‘unification fight’ kay Naoya ‘Monster’ Inoue ng Japan, higit at naipahayag na rin ni WBO President Francisco ‘Paco’ Valcarcel ang pagnanais na maisagawa ang superfights sa world body.