NAUDLOT man ang takdang laban, hindi nabago ang pakikipagniig sa kasaysayan ni Pinoy world champion Jerwin Ancajas.
Nadugtungan ang panahon para sa paghahanda matapos makansela ang laban nitong Nobyembre kontra Jonathan Rodriguez sa Las Vegas, hinarap ni Ancajas ang bagong challenger na si Miguel Gonzalez at pinataob sa ikaanim na round para mapanatili – sa ikawalong sunod na pagkakataon – ang International Boxing Federation (IBF) Junior Bantamweight title nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Auditorio GNP Seguros sa Puebla, Mexico.
Nahila ni Angajas ang karta sa (32-1-2, 22 KOs).
Huling nagwagi ang southpaw na si Ancajas nitong Mayo 4 sa Stockton, California, nang patulugin si Japanese Ryuichi Funai sa ikaanim na round. Bago ang laban kay Funai, nakakuha ng split-decision draw si Alejandro Santiago sa Pinoy champion nitong Sept. 28, 2018.
Galing sa magkasunod na panalo si Gonzalez mula nang matalo sa ikawalong round laban kay Andrew Moloney nitong Mar. 22, 2018.
Kaagad na nagtpakita ng lakas si Ancajas, at nadomina ang mga rounds sa kanyang agresibong atake at kombinasyon.
Patuloy ang ratsada ni Gonzalez hanggang mapabagsak si Gonzales sa ikaanim na round may 1:53 ang nalalabi. Hindi nanakaganti ng depensa ang Mexican, sapat para itigil ni referee Wayne Hedgpeth ang laban.
Target ng 27-anyos na kasalukuyang naninirahan sa Cavite City ba ma-unify ang lahat ng world title sa 115 pounds. Pinangangasiwaan angkanyang career ni WBA welterweight titleholder Manny Pacquiao.
Ikinalugod ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang panibagong tagumpay ni Ancajas.
“The GAB once again greets IBF World Champ Jerwin Ancajas on his 8th successful defense of his title against Chilean Miguel Gonzalez. He is a great example of a Pilipino Champ with his humble but hard working ways. We hope that he will continue to inspire Young boxers and athletes in general,” pahayag ni Mitra.
“ The Philippines now has four world champions namely Sen. Paquiao, Jerwin Ancajas, IBF world minimum weight Champ Pedro Taduran and newly crowned ibf world bantamweight Champ Johnreal Casimero,” aniya.
Nitong Biyernes, binigyan ng GAB ng ‘Hero’s Welcome’ si Casimero.