TINAWAG ni Pasig Mayor Vico Sotto na “fake news” ang isang komento ng netizen higgil sa viral photo ng Mayor kasama ang sikat na volleyball player — celebrity.

Gretchen at Mayor Vico

Binatikos ng isang Simoun Rebolusyonaryo ang larawan ni Vico habang nanonood ng Southeast Asian (SEA) Games volleyball opening match kasama si Gretchen Ho na nag-trending online.

Ibinahagi ng netizen sa Twitter ang isang photo nina Vico at Gretchen habang nanonood ng volleyball game sa Philsports Arena sa Pasig. Sinabi nitong nagagawa pang mag-enjoy ng alkalde sa kabila ng pananalasa ng Typhoon “Tisoy.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“ K u n g bumabaha sa Pasig at this very moment at kailangan ng agarang aksyon (swift action i s ne eded) , your Mayor is seen with a Ho! May good time si Yorme sa panahon ng bagyo #Duterte # H a p p y W i t h D u 3 0 #SEAGames2019 #WeWinAsOne # P i n a k i t a n g D i l a w a n #LiberalHypocrisy,” caption ng basher.

Samantala, hindi naman nakapagtimpi ang alkalde at sinagot ang akusasyon ng basher:

“Lahat na lang ginagawang politika,” tugon ng Pasig mayor, sa pagsasabing hindi dapat isangkot ng mga tao ang Pasig sa pagpapakalat ng fake news dahil wala namang baha sa Pasig.

“Wag nyo naman idamay ang Pasig sa fake news dahil kahit nung kalakasan ng ulan nung 2pm hindi bumaha sa Pasig. Magandang makanuod ng laro sa Pasig ang mga opisyales ng Pasig,” tweet pa ni Mayor.

Kasabay nito, hinikayat din ng alkalde ang publiko na suportahan ang lahat ng mga Pilipinong atleta.

“Suportahan na lang natin lahat ang mga Atletang Pilipino, di ba”dagdag pa niya.

Samantala, ilang netizens naman ang humihingi ng “explanation” mula kay Vico at Gretchen, matapos mag-viral na ang kanilang mga larawan.

Sinagot naman ito ni Vico ng pabiro: “Mas gusto ko pang matulog,” saying he has no time to spare for love, busy as he is with his job as mayor.

-Manila Bulletin Entertainment