KANDIDATO sa ‘Most Bemedalled Athlete’ ng 30th Southeast Asian Games si gymnast Carlos Edriel “Caloy" Yulo.

Humakot ang World champion ng kabuuang pitong medalya – dalawang ginto at limang silver medals – para pagbidahan ang Team Philippines sa kasalukuyang tinatamasang liderato sa overall championship.

Carlos Yulo.

Carlos Yulo.

Sa kasalukuyan, tangan ng Pilipinas ang 58 ginto, mahigit 20 gintong medalya ang bentahe sa pumapangalawang Vitenam.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kabilang sa huling tatlong silver medals na kanyang napanalunan ay sa vault kung saan naungusan siya ni Agus Prayoko ng Indonesia, 14.734-14.700.

Pumangatlo naman sa kanila at nag-uwi ng bronze ang dating 2-time champion sa nasabing apparatus na si Le Thanh Tung, ng Vietnam (14.617).

Pangalawa rin siya sa parallel bars na pinagbidahan ni defending champion na si Dinh Phuong Thanh ng Vietnam, 14.800-14.600.

Pangalawa din lamang sya sa horizontal bar, matapos makatipon ng iskor na  13.667.Ang  Vietnamese na si Dinh ulit ang umangkin ng gold sa iskor nitong 13.767. Marivic Awitan