IGINIIT ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara sa kanyang resolusyon na bigyan ng parangal ang pulis na ibinuiwis ang kanyang buhay para sagipin ang ilang estudyante mula sa isang armadong salarin.

Sinabi ni Angara na si Police Master Sergeant Jason Magno ay karapat-dapat na kilalanin sa kanyang dakilang sakripisyo matapos gamitin nito ang kanyang katawan bilang pananggalang upang mailigtas ang mga estudyante mula sa pagsabog ng Granada.

Si Magno, aniya, ay tumugon sa tawag ng kanyang tungkulin nang rumesponde siya at isa pa niyang kasamahan sa insidente para sikaping mapakalma ang lalaking nagwala sa loob ng Initao College campus sa Misamis Oriental.

“Master Sergeant Magno responded to the call of duty to protect the lives of civilians. Without thinking of his own safety, he used his body to cover the grenade, saving more lives but tragically losing his own in the process,” nakaaad sa resolusyon ni Angara.

“It is only proper that the Senate recognizes Magno for his heroism. It is men like him who represent the best of the PNP and Filipinos as a whole,” dugtong niya.

Aniya, marapat lamang na kilalanin ng Senado ang kabayanihan ni Magno, na kumakatawan sa isang tunay at maayos na miyembro ng pulisya.

Nitong Nobyembre 28, isang lalaki na may dalang itak at granada ang pumasok sa Initao College campus sa Barangay Jampason, Misamis Oriental.

Rumesponde sina Magno at aster Sergeant Alice Balido ngunit biglang inihagis ng salarin ang granada, kagyat upang dapaan ni Magno ito para maisalba ang ilang sibiliyan sa lugar.

“Master Sergeant Magno’s heroic death should serve as a reminder of the service provided by our brave men and women in the PNP. Every day they risk their lives to keep us safe from criminal elements,” ani Angara.

-Leonel M. Abasola