SUBIC -- Sasandal ang tropa ng Philippine Canoe Kayak sa magandang panahon at banayad na hangin sa kanilang paglahok sa pagpapatuloy ng ikaanim na araw ng 30th Southeast Asian Games (SEAG) na gaganapin sa Malawaan Park dito.
Itutuloy ang mga karong ipinagpaliban kamakailan sanhi ng bagyong Tisoy, ngayong araw na ito para sa 1000m Singles men's elimination ganap na alas- 8:45 ng umaga, na susundan naman ng 1000m Doubles men's eliminations sa 9:45 at ang 500m Singles women elimination sa ganap na alas- 10:45 ng umaga.
Agad itutuloy patungong semifinal round ang mga laro at saka tatapusin sa final round ganap na alas-2 ng hapon.
Samantala, kumpiyansa si Philippine Canoe Kayak head coach Len Escollante na makakuha ng gintong medalya sa mga events na 1,000-meter , 200-meter mixed standard boat at sa 500-meter men’s.
“We are eyeing to win at least three of the six gold medals at stake," ani Escollante.
Gagamitin ng koponan ang kanilang homecourt advatage at ang pagiging kundisyon sa klima upang makasikwat ng panalo.
“As we know, the SEA Games will be held in the country. We have an advantage over the climate, the wind condition and the boats. We want to come up with a good finish and make the country proud," ayon pa kay Escollante. Annie Abad