FINALLY, puwede na naming isulat ang matagal ng tsikang hiwalay na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at ang boyfriend niyang si Marlon Stockinger, kilalang race-car driver, nitong Setyembre lang pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Marlon PIA

Kahapon ay nagkausap kami ng business manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez at sinabi niyang, “Oo totoo na!”

Matagal na kasi naming inuungot kay Rikka kung ano ang real score nina Pia at Marlon dahil lagi na lang nababalitang hiwalay na at puro ngiti lang ang sagot sa amin at sabay sabing, “On and off naman silang dalawa kaya wala akong mako-confirm sa ‘yo. Hayaan mo ‘pag confirmed na, ako mismo magkukuwento.”

Relasyon at Hiwalayan

Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na

Huli naming nakausap si Rikka tungkol sa on and off relationship nina Pia at Marlon nitong Oktubre sa launching ng DeluxeHome sa MC Home Depot, 32nd Street BGC, Taguig City kung saan isa ang 2015 Miss Universe sa special guest kasama si 1969 Miss Universe, Gloria Diaz.

Maging si Pia noong huli naming nakausap ay wala ring sinabing on the rocks sila ni Marlon at pinandilatan pa nga kami nu’ng banggitin namin na paano kung magparamdam sa kanya si Piolo Pascual na super crush niya at tinetext siya dahil niyaya siyang gumawa ng pelikula.

Sagot ni Pia, “Hindi po ako nage-entertain kasi may boyfriend ako.” Pero ngayong wala na sila ni Marlon, posibleng i-entertain na niya si Papa P?

Anyway sabi ni Rikka, “Mukhang okay naman na si P (tawag niya kay Pia) ngayon kasi nakahanap na siya ng pagkakaabalahan, sobrang daming offers sa kanya at dami niyang endorsements.”

Tinanong namin ang tungkol sa malaking project na offer kay Pia, “Saka na ‘yun, sasabihan kita kung kailan puwedeng isulat,” saad sa amin.

Ang pelikula naman nina Pia at Vhong Navaro ay sa 2020 na ang resume dahil may mga inaayos pa kaya habang walang movie shoot ang beauty queen/actress ay inuna muna niyang i-promote ang kanyang Teviant Lip Spell.

-REGGEE BONOAN