KINILALA ng SPIA Asia (Asia’s Sports Industry Awards & Conference) ang Philippine organizers ng 30th Southeast Asian Games, gayundin si eight-division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao sa ginanap na ‘Gabi ng Parangal’ nitong Miyerkoles sa Grand Hyatt Hotel sa BGC, Taguig City.

IPINAGKALOOB ni PHISGOC Chairman Rep. Allan Cayetano ang SEAG jacket kay football legend Ronaldo sa ginanap na SPIA Asia Awards.

IPINAGKALOOB ni PHISGOC Chairman Rep. Allan Cayetano ang SEAG jacket kay football legend Ronaldo sa ginanap na SPIA Asia Awards.

Nagsagawa muna ng iba’t iabgn panel discussion, case studies at panayam sa mga pamosong sports personalities na tumalakay sa iba’t ibang aspeto sa larangan ng sports tulad ng business of sports, business of football in Asia, sports and new technology, sports and tourism, integrity at inclusion.

Ang pagbibigay ng parangal sa mga natatanging gawa sa sports ang tampok sa dalawang araw na programa kung saan pinagkalooban ang Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) ng Excellence Award.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tinanggap ni PHISGOC Chairman at House of Representatives Speaker Alan Peter Cayetano ang tropeo ng pagkilala mula sa prestihiyosong organisasyon na pinamumunuan ni Chief Executive Officer Eric Gottschalk.

Ipinagkaloob naman kay Manny Pacquiao, galing sa impresibong panalo laban kay Keith Thurman sa Las Vegas sa edad na 40-anyos, ang ‘Best Asian Sportsman of the Year’ award.

Kinilala naman ang tagumpay ni Japanese tennis  superstar Naomi Osaka kontra Serena Williams sa 2018 US Open para tanghaling ‘Best Asian Sportswoman of the Year’.

Ilan sa malalaking pangalan sa international sports na pinarangalan ay sina Football legend Ronaldo Nazario de Lima (Sport and Beyond Award). Nakaukit sa kasaysayan ng sports si Ronaldo bilang three-time FIFA Footballer of the Year, two-time winner of the Ballon d’Or, at three-time winner ng FIFA World Cup at premyadong player ng FC Barcelona, Inter Milan, Real Madrid CF, A.C. Milan, at Corinthians. Sa ngayon, pinangangasiwaan niya ang sariling football club na Real Valladolid.

Ang “Best Asian Sports Team” award ay nakuha ng Japanese Rugby Team bunsod nang matikas na kampanya sa 2019 Rugby World Cup, kung saan nanguna sila sa group stage laban sa premyadong kopona ng Russia, Ireland, Samoa, at  Scotland, na ginapi nila, 28-21.