Hindi naman nabokya ang Pilipinas sa bagong event na short track speed skating nang sa huling araw ng kompetisyon noong Miyerkules ng gabi ay sumungkit ng bronze medal si Marc Joseph Gonzales sa SM Megamall Skating rink.

Tumapos na pangatlo si Gonzales sa 1000-meter short track sa tiyempong isang minuto at 32.176 na segundo (1:32.176).

“I feel very honored and proud to get a bronze medal for the Philippines. And this is the first medal for the Philippines in Short Track Speed Skating, so I’m very honored,” ani Gonzales.

Pumangatlo si Gonzales sa Thailand speed skater na si Natthapat Kancharin, ang nagwagi ng gold medal makaraang magtala ng oras na 1:31.117 at Steavanus Wihardja ng Indonesia na syang kumopo ng silver sa naitala nitong oras na 1:31.163.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Tumapos namangpanglima ang isa pang Pinoy na si Julian Kyle Macaraeg matapos maorasan ng 1:34.842.

Sa kababaihan, nagtapos namang pampito at pang-siyam ang mga Pinay bets na sina Kayla Gonzales at Xsandre Guimba sa event na napanalunan ni

Cheyenne Goh ng Singapore (1:39.272).

Bigo ding umabot ng podium ang Philippine men’s team sa 3000-Meter Relay makaraang tumapos lamang na pang-apat sina Gonzales, Macaraeg, Lyle Cadiz, at Kevin Villanueva. Marivic Awitan