SUBIC BAY--Kinapos ang pambato ng bansa na si Dines Dumaan na sumabak para sa semis ng Pencak Silat men’s tanding (combat) 50-55 kgs, matapos na mabigo sa kalaban na si Dinh Tuan Nguyen ng Vietnam 2-3 sa pagpapatuloy ng labanan sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) na gianaganap sa Subic Bay Exhibition and Convention Center dito.

Kontrolado ng Vietnamese ang labanan sa unang dalawang yugto ng labanan ngunit nagawang makabawi ng pambato ng Pilipinas na tubong Capiz sa huling yugto ng labanan sa pamamagitan ng magkakasunod na suntok at sipa, ngunit sadyang kinapos sa oras na siyang nagbigay lamang sa bansa ng bronze medal para dito.

“We should have won but we fell short of time,” ayon head coach na si Nerlyn Huinde na puno ng panghihinayang.

Dahil naman sa nasabing panalo, umakyat sa gold medal match si Nguyen kontra sa pambato ng Singapore na si Mohammad Hazim Bin Mohammad Yusli, ma siyang nagpataob naman sa Indonesian bet na si Hidayat Limonu, 4-1 sa isa pang semis na laro.

Gayunman, ay masaya pa rin ang pamunuan ng pencak silat sa kabila ng pagkabigo, gayung una naman nakakuha ng gintong medalya si Edmar Tacuel sa men’s tunggal, habang dalawang silver medals naman ang inilista nina Mary Francine Padios (women’s tunggal) at ang magkapatid na sina Alfau Jan Abad at Almohadab Abad (men’s ganda).

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

“The performance of the team improved compare to last time. They became better. In future, I want to improve our game so we could get a gold next time,” ayon kay Huinde.

Nakamit ni Dumaan ang gold medal sa 45-50 kg category noong 2017 Malaysia SEAG bago siya magpalit ng weight class division.

-Annie Abad