Bumuhosang mga nakikiramay sa pinakamamahal na ina ng King of Talk Boy Abunda na si Licerna “Nanay Lesing” Romerica Abunda na nakaburol sa Arlington Funeral Homes. Siyempre, halos karamihan sa mga nakiramay sa tatlong araw na pagkaburol ay mula sa showbiz at hindi rin naman mabibilang ang mga kaibigan, estudyante, mga kapitbahay at pati na rin ang mga tagahanga ni Kuya Boy ay nakidalamhati sa pagyao ni Nanay Lesing.

Sobrang dami rin ang mga nagpadala ng “mass cards at mga mamahaling bulaklak para sa namayapang ina ng premyadong TVhost. Pagpapatunay lamang na marami ang nagmahal sa pamilya nina Kuya Boy.
Pero kahit nakaburol ang ina ay tuloy-tuloy pa rin ang “showbiz life” ni Boy Abunda. Kaliwa’t kanan pa rin ang taping niya para sa dalawang TVshows sa ABS CBN. Kahit na nagpasabi na sa kanya ang management na pwede raw naman daw na mag-replay muna ang programa ay hindi pumayag ang TVhost.
Pero maraming mga speaking engagements at ilang mga personal appearances ang tinanggihan na ni Boy Abunda. Ayun pa sa kanya ay gusto raw niyang ibigay ang mga oras niya na makasama ang ina sa mga huling araw nito bago raw ihahatid sa kanyang huling hantungan si Nanay Lesing.
Sa pagkakaalam namin ay iuuwe sa kanyang probinsiya sa Borongan, Samar ang “abo’ ni Mrs. Abunda. Magkaroon ng “public viewing ng tatlong araw para sa ina ni Boy Abunda na naging principal sa isang elementary school at kunsehal bago naging Vice Mayor ng Borongan. Ibabalik din agad sa Manila ang “abo” ng namayapang ina at ditto na rin ilalagak.
Incidentally, pagkatapos daw mailagay sa ayos ang namayapang ina ay nagbabalak si Boy Abunda na magbakasyon abroad kasama si Sir Bong Quintana.
-JIMI ESCALA