TULOY at walang aberya ang isasagawang FINIS Short Course Swimming Championships 2019 sa Disymbre 14-15 sa Philippine Columbian Association (PCA) sa Plaza Dilao, Paco, Manila.

MOJDEH: FINIS Ambassador.

MOJDEH: FINIS Ambassador.

Ayon kay Swim Pinas executive at BEST Philippines official Joan Mojdeh, walang katotohanan ang napaulat sa ‘social media’ na hindi tuloy ang dalawang araw na torneo at iginiit na marami ng club at swimming group ang nagpadala ng kanilang intensyon na maging bahagi ng kompetisyon na bahagi ng malawakang grassroots sports program ng BEST Philippines at Swim Pinas.

“Tuloy na tuloy po tayo. Huwag po nating pansinin yung mga nababasa sa social media na kanselado ang kompetisyon natin. All system go po tayo at makipag-ugnayan lang po kayo sa ating mga organizers,” pahayag ni Joan, ina ng age-group internationalist na si Micaela Jasmine Mojdeh at isa sa Ambassador ng FINIS.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang torneo itinuturin ding 5th BEST Swim Challenge, 7th Leg SLP Series at 1st Leg ng Swimming Pinas Membership Selection.

“Ang tournament po natin ay selection din po ng bagong batch ng Swim Pinas at qualifying para sa mga member ng team na ilalaban natin next year sa Japan at Thailand competition,” sambit ni Mojdeh.

Para sa mga interesadong lumakok, bukas pa ang pagpapatala at ipadala ang team entry sa [email protected]. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa 0932-788-5215 at 0915-287-3829.