SA ekslusibong panayam ni Boy Abunda kay Daniel Padilla sa kanyang programang Tonight With Boy Abunda, nitong nakaraang gabi, December 2, inamin ng batang aktor na dapat sana ay siya ang kapareha ng girlfriend na si Kathryn Bernardo sa Star Cinema’s 2019 box office hit Hello, Love, Goodbye .

Kathryn at Daniel

K a y a l a n g , napagkasunduan nina Daniel at Kathryn na hiwalay muna sila sa trabaho in any project this year, dahilan para ‘di nagawa ni Daniel ang movie.

Kaya agad naisipan ng Star Cinema, the producer of the film, na subukang kunin ang serbisyo ng Kapuso prime actor Alden Richards to play Kathryn’s leading man at nagtagumpay naman ang kompanya no’ng pumayag ang Kapuso aktor..

Tsika at Intriga

Elijah Canlas, Miles Ocampo plano nang magpakasal?

Tinanong ni kuya Boy si Daniel, “If that movie, Hello, Love, Goodbye, were offered to you, tatanggapin mo?”

Sagot ni Daniel , “In-offer naman sa akin yun, Tito Boy, e. Sa amin naman talaga originally yun. Originally, dapat yun, para sa amin.”

Kung bakit niya ni-reject the film?

Paliwanag ni Daniel, “I just think it was time, napag-usapan namin after The Hows of Us na magpapahinga muna kaming dalawa.”

Ang p inakahul ing pe l ikulang pinagsamahan ng KathNiel ay ang The Hows of Us, ay ipilabas noong 2018.

Ikinuwento ni Daniel sa King of Talk, how he and Kathryn came up with the decision of not working together this 2019.

“Hindi siya mabilis na proseso na ‘Okay, gawin mo na, gawin mo na.’ Hindi ganun kadali. Isa siyang mahabang proseso.

“It’s something new sa amin and parang out of nowhere, e.

“Si Kathryn, nagtatanong siya kung okay ba ito, ready na ba siya. And mahaba siyang usapan hanggang...yeah.”

Tinanong ni kuya Boy si Daniel how he felt when Alden was chosen as Kathryn’s leading man.

Sabi ng 24-year-old actor , “Siyempre, noong binanggit, isip, ano mangyayari, paano tatanggapin ito?

“Gusto nating protektahan si Kathryn din and kailangan mo rin ibigay yung tiwala mo, yung tiwala sa nakaisip ng pagsasama na yun.”

Hanggang sa gumawa ng record sa takilya ang THOU nina Kathryn at Alden movie grossing P880 million worldwide, at ayon pa sa Star Cinema. Hello, Love, Goodbye is now considered the highest grossing Filipino film of all time. Dagdag pa, ang movie ay nominated in the 9th Australian Academy of Cinema and Television Arts Awards for Best Asian Film.

Sinabi pa ni Daniel na sa taong susunod, 2020, gagawa sila ni Kathryn ng isang teleserye which will be produced by Dreamscape Entertainment at magsisilbing KathNiel’s first teleserye under Dreamscape Entertainment after eight years. Their first team-up, ang weekly series na Growing Up, was also under Dreamscape.

Noong tanungin ang aktor tungkol sa nasabing Kapamilya teleserye, ani Daniel, “Wala pa kasing na-pitch sa amin, wala pang na-pitch pero next year, magsisimula na kaming mag-shoot ni Kathryn for a serye.

Sinabi pa ni Daniel na kasabay ng seryeng kanilang gagawin ay ang isa pang movie under Star Cinema sa parehong taong 2020.

-ADOR V. SALUTA