TAPIK sa balikat para sa kampanya ni Asian Games champion Margielyn Didal sa 30th Southeast Asian Games ang pamamayagpag laban sa Netherlands at California,

Napabilib ni Didal ang ibang sports personalities at pinakamatikas na female park skaters sa mundo para angkinin ang first-ever Ladies Day Skate competition sa Berrics sa The Netherlands.

Nakumpleto ng 20-anyos Cebu City pride ang back-to-back win nang manguna sa 2019 Exposure All Women’s Skateboarding Championships na ginanap sa Huntington Beach, California, USA.

Bunsod ng tagumpay, napili si Didal bilang “Athlete of the Month” para sa buwan ng Nobyembre ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ito ang unang parangal kay Didal ng TOPS, ang pinakabagong sports organization, na binubuo nina editors, reporters at photographers mula sa leading tabloids sa bansa.

“Like many other great Filipino athletes, Margielyn made all of us proud to be Filipinos,” sambit ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight.

“Her success serves as an inspiration to the Filipino youth who hope to make a difference in the wonderful world of sports,” aniya.

Kabilang sa pinagpilian sina basketball superstar Jack Danuelle Animam of UAAP champion National University; and GM Rogelio Barcenilla, Jr. , who topped the “Battle of GMs” chess championship.

Ang mga nakalipas na TOPS monthly awardees ay sina Manny Pacquiao (January), Jasmin Mikaela Mojdeh (February), Natalie Uy (March), Obiena (April), June Mar Fajardo (May), the Philippine Canoe Kayak and Dragon Boat Federation team (June), Obiena (July), Antonella Berthe Racasa (August) Obiena (September) and Caloy Yulo (October).

Itinataguyod ang TOPS “Usapang Sports’ ng National Press Club, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink at napapanood sa Facebook live via Glitter Livestream.