PINATUNAYAN ng Philippine basketball Gilas na sa basketball, Pinoy pa rin ang hari – maging sa 3x3 event.
At mabigat man ang katayuan sa full-court basketball, sa 3x3 at hindi magpapahuli ang women’s squad.
Naitala ng Pinoy cagers ang ‘sweep’ sa sports na pinakamalapit sa puson ng Pinoy nang gapiin ng Gilas Pilipinas men’s squad ang Vietnam 21-9, habang pinulbos ng women’s squad ang Thailand, 17-3, nitong Lunes para dominahin ang event sa 30th Southeast Asian Games sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.
Hataw ang Gilas sa 8-0 at nahila ang bentahe sa 13-5 may 3:15 ang nalalabi matapos ang jumper ni Moala Tautuaa.
Tabla ang Gilas women sa Thailand 5-all sa unang bahagi ng laro bago sumagitsit sa 10-1 run para sa ligtas na 16-6 bentahe. Nanguna si Afril Bernardino sa naiskor na pitong puntos para bawian ang karibal na tumalo sa kanila, 20-22, sa elimination round.
Nakamit ng Malaysia ang bronze medal nang gapiin ang Vietnam, 21-7, habang nagwagi ang Vietnam sa Thailand, 27-21, para sa men’s bronze medal.
Tinapos ng Gilas Pilipinas ang torneo na walang talo saw along laro. Tanging ang 22-21 panalo sa Thailand sa semifinals ang nagpakaba sa Pinoy.
-Marivic Awitan