NANALASA ang bagyong ‘Tisoy’ sa lalawigan na paglalaban sa polo final match, ngunit kumpiyansa ang Team Philippine sa tangan na bentahe sa pagiging pamilyar ng lugar sa pagsabak laban sa liyamadong Malaysia ngayon para sa gintong medalya sa 0-2 goals division ng polo competition ng 30th SEA Games sa Miguel Romero Field sa Calatagan, Batangas.

“They have been practicing at the field longer than anybody so it will factor in their game. They know in and out of the field,” pahayag ng tournament official na isa ring polo enthusiast.

Ngunit, inamin niya na maraming posibleng maganap sa 0-2 event bunsod nang pagkakaroon nang pare-parehong handicaps ngmga players.

“That’s make today’s matches more interesting,” aniya.

Kung hindi magiging dahilan ang bagyong ‘Tisoy’, gaganapin ang PH-Malaysia match ganap na 1:00 ng hapon, habang ang Brunei-Indonesia showdown ay ganap na 11 ng umaga.

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'

Nakatadka ang finals Marte sng hapon, ngunit napilitang ikansela ng mga opisyal bunsod ng masamang panahon dulot ni ‘Tisoy’.

Binubuo ang PH team nina Jose Antonio Veloso, Noel Vecinal, Benjamin Eusebio, Julian Garcia, Franchesca Nicole Eusebio, Stefano Juban at Rep. Mikee Romero.

Pangungunahan ang Malaysia ng 18-anyos na si Keith Teh at beteranong si Mohamad Zekri Ibrahim.

Sabak naman sa Brunei si Prince Jeffri Bolkiah, 65, kasama si Prince Qawi, habang ang Indonesia ay pagbibidahan nina Billy Lumingtang at Acep Krisnandar.

-Marivic Awitan