CAPAS, Tarlac -- Sisikapin ng Pilipinas na wakasan ang 10 taong pagkauhaw sa gintong medalya sa pagsisimula ng swimming competition ngayon sa ikatlong araw ngĀ  aksiyon sa 30th Southeast Asian GamesĀ  (SEAG) na gaganapin sa New Clark City Aquatic CenterĀ dito.

Philippine Swimming Team.

Philippine Swimming Team.

Pitong gintong medalya ang nakataya sa unang araw ng bakbakan kung saan susubukan ngĀ  mga pambatongĀ  Filipino-Americans na sinaĀ  James Deiparine atĀ  Remedy RuleĀ  na makasisid ng ginto para sa mga Pilipino sa kanilang pagsabak ganap na 9:00 ng umaga.

Unang lalangoy si RuleĀ  sa kanyang pagsabak sa womenā€™s 200-meter butterfly heats ganap na alas- 9:35 ng umaga, habang siĀ  Deiparine, Ā double silver medalist sa nakaraang edisyon ng biennial meet noongĀ  2017 ay sasabak sa ganap naĀ  10:10 ng umaga para saĀ  menā€™s 100-meter breaststroke heats.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tangan niĀ Rule angĀ  Philippine record sa 200 butterfly sa kanyang naitalang 2:11.38 sa Ā World Swimming Championships sa Gwangju, South Korea.

Sasabak din si RuleĀ  sa womenā€™s 100-meter freestyle, kasama angĀ  two-time Olympian na siĀ  Jasmine Alkhaldi ganap naĀ  10:20Ā  ng umaga.

Si Deiparine,Ā  naman, bukod sa silver medals na kanyang nakuha sa nakaraang SEA Games, tangan din niya ang Philippine recordĀ  saĀ  breaststroke na 1:02.00.

Sina Jessie Khing Lacuna atĀ  Miguel Barreto ang magsisimula ng kampanya para sa Philipinas saĀ  menā€™s 400-meter freestyle sa alas- 9 ng umaga at saĀ  menā€™s 1,500-meter freestyle.

Sasabak din para sa Pilipinas sinaĀ  Jonathan Cook sa menā€™s 100-meter breast stroke, Jerard Jacinto at Jaden Olson sa menā€™s 100-meter backstroke, Jean Pierre Khouzam, Barreto, Lacuna, Maurice Sacho Illustre sa menā€™s 4x200-meter relay,Ā  Rosalee Sta. AnaĀ  sa womenā€™s 200 fly atĀ  Chloe Isleta at si Xiandi Chua sa womenā€™s 200 individual medley.

Huling nakatikim ng gintong medalya ang Pilipinas sa swimming noong 2009 SEAG sa pamamagitan niĀ  Miguel Molina na nagwagi ng dalawang ginto buhat saĀ  menā€™s 200 atĀ  400-meter individual medleyĀ  habang sinaĀ  Daniel Coakley atĀ  Ryan Arabejo naman ay nag-ambag ng tig-isang ginto para sa mga events na the menā€™s 50-meter freestyle atĀ  menā€™s 1,500-meter freestyle, ayon sa pagkakasunod.

Annie Abad