KAHANGA-HANGA.

ramirez

Sa ganitong salita inilarawan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang kampanya ng atletang Pinoy sa 30th Southeast Asian Games.

Sa kabila ng samu’t saring isyu at pananalasa ng bagyong ‘Tisoy’, hindi nagpaapekto ang mga atleta at ipinakita ang tapang, lakas at husay na siyang sentro ng kanilang paghahanda sa nakalipas na dalawang taon.

“From a total 23 gold medal na nakuha natin sa Kuala Lumpur noong 2017, nalagpasan natin ito sa unang araw pa lamang ng kompetisyon (25). Nakakabilib at nakakataba ng puso na talagang ibinuhos ng ating mga atleta ang kanilang husay at sinulit ang sakripsisyo nila sa training,” pahayag ni Ramirez, napipintong maging unang PSC Chairman na nangasiwa sa sports agency na nagwagi ng SEAG overall title ang Team Philippines.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

“After three days of intense competitions and withTteam Philippines performing magnificently in the face of the world-class foes, I would like to send my message of congratulations to all who fought valiantly to uphold national pride. You are all winners to us,” pahayag ng TeamPhilippines Chef de Mission.

Wala pa sa kalahati ang labanan, ngunit naamoy na ang simoy ng tagumpay para sa koponan ng Pilipinas kung saan umaasa si Ramirez mapanatili ng koponan ng Pilipinas ang kanilang sigla at lakas sa pakikipaglaban.

“We are riding on this postive wave and continue to hope that we can sustain this good performance,” aniya.

Aniya, umiikot sa kasalukuyan ang kanyang mga Deputy Chef de Mission upang siguruhin na natutugunan ang mga pangangailangan ng mga atleta at makapagbigay ng kaukulang suporta.

“We still have many days of battle ahead of us but I remain steadfast in my belief in our national team. I know that they are intent in delivering pride and honor for the copuntry,” pahayg ng PSC chief.

“Pagpupugay sa galing ng lahing Pilipino. Laban Atletang Pilipino!” dagdag pa ni Ramirez.

-EDWIN ROLLON