DAHIL sa kanyang pagbunbuntis sa pangalawang anak nila ni Aljur Abrenica ay pansamantalang nawala sa limelight ang aktres na si Kylie Padilla pero hindi naging sagabal sa kanyang pagbubuntis ang tuloy tuloy niyang pag aasikaso sa kanyang negosyo.

Kylie

Dahil sa wala rin naman siyang tinanggap na showbiz commitments ay ibinuhos ngayon ni Kylie ang kanyang oras hindi lang sa kanyang pagiging ina at asawa ni Aljur kung hindi pati na rin sa kanyang online business.

Ayun pa sa kanya ay nag-umpisa raw yun sa marami raw niyang naiipon na mga t-shirt at damit na pambata at pati na rin sa mga matatanda kung kaya inialok niya ito ngayon on line.

Events

'Pinanindigan na!' Paolo Benjamin ng Ben&Ben, ikinasal na

Lahad pa rin ni Kylie na hindi raw niya sukat akalain na lumaki nang ganoon ang inumpisahan niyang negosyo.

Kung kaya wala siyang ginawa ngayon kung hindi asikasuhin ang negosyo niyang on line business. Sa ngayon daw habang papalapit ang kanyang panganganak ay double time daw siyang sa pag-aasikaso sa mga pangangailangan ng mga costumer na tumatawag sa kanya, huh!

Siyempre dahil na rin sa kanyang magandang pakikitungo sa kliyente kung kaya mas lalong dumami ang mga orders sa kanya at nagsimula nang lumaki ang kanyang maliit lang noon na online business.

Pagmamalaki pa ni Kylie na may mga nakuha na nga raw siyang supplier para naman sa malalaking order sa kanya, huh!

-JIMI C. ESCALA