MAGSISIMULANG magpakitang gilas ang mga pambato ng bansa para sa Judo sa pag-usad ng ikatlong araw ng 30th Southeast Asian Games (SEAG) ngayon sa Laus Group Events Center sa San Fernando, Pampanga.

Sina Noemi Candari at Helen Dawa ang magwawagayway ng bandera ng Pilipinas para sa women's kata.
Samantala, ang inaabangang Filipino-Japanese na si Kiyomi Watanabe, ay sasabak Huwebes ng umaga para sa 63kg class upang duplikahin ang kanyang pagkopo ng gintong medalya noong 2017 SEAG.
Ang 23-anyos na si Watanabe ay isa sa mga posibleng pambato ng bansa para sa 2020 Tokyo Olympics.
Sasabak din para sa kmapanya ng Pilipinas sa judo ang lima pang Filipino-Japanese na sina Maria Takahasi, Heisei Nakano, Shugen Nakano, Shin Matsumura at Riyoko Salinas na target makasikwat ng anim hanggang pitnong gintong medalya. Annie Abad