TWO years nang hindi napapanood si John Llyod Cruz sapul ng humingi ng indefinite leave of absence mula sa Star Magic. Nakontento na lang ang mga fans ng aktor sa mga post niya sa Instagram.

John Lloyd

Last Nov 24 ay nakunan si JLC kasama ang kanyang one-year old son Elias Modesto taken at Cebu airport with Fr. Tito Caluag. Nasundan ito ng uploaded videos sa pagdalo ng magaling na aktor sa wedding nina Vhong Navarro at Tanya Bautista in Kyoto, Japan. Lalong ikinatuwa na inahit niyang balbas at muling lumutang ang kagwapuhan ng aktor. Dinaan niya sa pagra-rap ang mensahe para sa mga bagong kasal.

Sa pelikulang Culion one of the MMFF entries ay may special participation si JLC na ikabibitin ng kanyang mga followers.

Relasyon at Hiwalayan

John Lloyd Cruz, Isabel Santos nag-unfollow sa isa't isa; minamalisyang hiwalay na!

John Llyod is too young to retire at marami pa siyang achievements na maaambag for the movie industry nakalulungkot kung tuluyang tatalikuran niya ang showbiz.

By the way, may product endorsement na gagawin ang aktor pagpapatunay na strong influencer pa rin siya sa product consumers. Sa mga pagpaparamdam ni John Llyod ay umaasa na sana’y magbalik showbiz ang aktor sa pagpasok ng 2020.

-REMY UMEREZ