MARAMI ang hindi nakakakilala sa sports na Pencak Silat – isang uri ng martial arts na pamosong laruin ng mga sinaunang tao sa rehiyon. Hindi na ngayon.

Napabilang ang sports sa nagbigay ng gintong medalya sa Team Philippines sa 30thSoutheast Asian Games matapos magwagi si Edmar Tacuel sa men’s seni tunggal event nitong Lunes sa Subic Bay Exhibition and Convention Center.

Napabilid ng 20-anyos na nagmula sa pamilya ng magsasaka sa Tubongan, Iloilo ang mga hurado sa kanyang impresibong performance sa kauna-unahang pagsabak sa biennial meet, sapat para makamit ang 470 puntos laban kay Muhammad Iqbal Bin Abdul Rahman ng Singapore (461) at Dino Bima Sulistianto (460).

“Happy ako na nakakuha ako ng gold medal,” pahayag ni Tacuel, ika-anim sa pitong magkakapatid. “Pinapasalamatan ko lahat ng coaches, teammates, mga taga Iloilo, salamat sa panalanagin ninyo. sa buong Pilipinas salamat lahat sa inyo.”

Ikinalugod ni Tacuel ang pagsasanay nila sa abroad sa mahabang panahon. Ayon kay Tacuel, una siyang naglaro ng arnis noong 2012 bago lumipat sa pencak silat

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'