ANG pelikulang Sunod ang nag-iisang horror film na mapapanood sa 2019 Metro Manila Film Festival simula Disyembre 25 na idinirek ni Carlo Ledesma at produced ng Ten17P at Globe Studios.

'Sunod' cast

Inspired by true events ang kuwento ng Sunod na tungkol sa call center agents at kung ano ang buhay nila sa loob ng opisina.

Kuwento ni direk Carlo na nu’ng ipabasa raw sa kanya ang script ng taga-Ten17P ay nagustuhan niya pero hindi niya alam na sa kanya pala ito ipapagawa kaya nu’ng i-alok sa kanya ay kaagad niyang tinanggap dahil gustung-gusto niya.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Maging si Carmina Villaroel na lead actress sa Sunod ay nagustuhan kaagad niya nu’ng ipadala ang script sa kanya at hindi na siya nagdalawang-isip pa.

“Usually pag may teleserye po ako, hindi ako nagse-segue, pero dito sa Sunod, talagang nag-segue ako kasi at that time, may ginagawa ako sa GMA,” saad ng aktres.

“Right away I like the script although matatakutin ako but I wanna do something different at matagal na akong hindi gumagawa ng horror film, so ito na ‘yung pagkakataon.

“The experience is eerie, nakakakilabot! Sabi ko nga, nabasa ko na ‘yung script, alam ko naman ‘yung mangyayari, nakakatakot pa rin kasi po pag pumupunta kami sa mga location, ‘yung cinematography ang galing, ‘yung ilaw, damang-dama mo na, natatakot ka. It’s a different and memorable experience for me, hindi ako nagsisi sa pagtanggap ko sa proyektong ito and very thankful and honored dahil sa akin napunta itong Sunod na pelikula,” kuwento ni Carmina.

Isa ang Quezon Institute o QI sa location ng shooting at ikinuwentong nakaramdam sila ng mga kakaiba at nagtatayuan ang mga balahibo nila at pinatunayan ito ng isa sa staff ni direk Carlo na bukas ang 3rd eye.

“Sa amin (mga artista) po wala, I think sa Art department kasi sila ‘yung mga unang pumupunta sa locations, nagse-set up o naglilinis, sila ‘yung unang nakaramdam.

“Pero mayroon kaming na-experience ni direk sa QI, It’s a 12 midnight, nagputukan ‘yung mga ilaw namin sabi ko baka nainitan na, pumutok na, pero siyempre kapag gumagawa ka na ng mga ganitong type of movie, parang pinapaalis na kami kasi baka naingayan na sa amin,” pagkukuwento ni Carmina.

Sundot naman ni direk Carlo, “at 3AM, may bumagsak namang mga ceiling tiles. Tapos ‘yung AD namin na may 3rd eye, sabi nila, ‘direk pack-up nap o tayo kasi nagagalit na sila.’ Sabi ko, ‘sinong sila? Basta raw. So basically after we packed –up, from then on, wala na. Eksakto to ha kasi inorasan ko talaga, 12 midnights and 3AM.”

Dagdag pa ni Carmina, “everytime we shoot po, nilalagyan kami ng luya sa pocket to drive away evil spirits para hindi sumama sa amin. E, ako pa naman matatakutin at may past experiences ako na sinusundan talaga ako at saka naka-red underwear ako kasi sabi nila, wear something red. Kaya everytime nagso-shoot ako, naka-red underwear ako kaya wala naman pong sumama sa akin pag-uwi ko. At saka pag-uwi mo sa bahay mo, magpagpag ka ng salt. Kaya todo-todo na to, nakaluya ka na, may red undwear pa at may salt pa.”

Nagkatawanan sa sinabi ng aktres na naka pulang panty siya na ito rin ang bilin sa amin na kapag nakaramdam ng kakaiba, magsuot ng pulang shirt na ginagawa rin namin.

Anyway, bukod kay Carmina ay kasama rin sina Susan Africa, Kate Alejandro, Krystal Brimmer, Rhed Bustamante, JC Santos at Mylene Dizon.

-Reggee Bonoan