ANGELES, Pampanga – Nagning muli ang kayumihan at kahusayan ni Agatha Wong, habang tuluyang inangkin – tulad ng inaasahan – ng arnis team ang overall championship sa ikatlong araw ng kompetisyon sa 30th Southeast Asian Games.

UMUKIT ng kasaysayan sa 30th Southeast Asian Games ang mayuming si Agatha Wong, gayundin ang Team Arnis, na pinangangasiwaan ni Sen. Migz Zubiri sa mainit na kampanya ng Team Philippines sa biennial meet. (RIO DELUVIO)

UMUKIT ng kasaysayan sa 30th Southeast Asian Games ang mayuming si Agatha Wong, gayundin ang Team Arnis, na pinangangasiwaan ni Sen. Migz Zubiri sa mainit na kampanya ng Team Philippines sa biennial meet. (RIO DELUVIO)

wong

Humakot ng kabuuang 14 ginto – kinapos ng anim sa target na 20 gold medal – ang local martial arts na hinubog at pinangasiwaan ni Sen. Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri, pangulo ng Philippine Eskrima, Kali, Arnis Federation (PEKAF) sa dalawang araw na kompetisyon sa Angeles University Foundation.

Kumabig ng siyam na gintong medalya ang tropa ng mga arnisador sa men’s at women’s anyo at sa non-traditional event sa unang araw bago sinundan ng lima sa ikalawang araw ng aksiyon.

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'

Huling nagbigay ng ginto sina Edward Manlapas, Caloy Tejada at Jesfer Huquire sa featherweight, welterweight at bantamweight ng paddles stick, ayon sa pagkakasunod.

Sinundan naman agad ng dalawang gintong medlaya buhat sa women’s team na pinangunghunahan ni Sheena Del Monte women’s bantamweight padded stick at si Jedah Mae Soriano naman ang nagreyna sa women’s featherweight padded stick.

“Talagang tribute ito sa ating mga ninono. Arnis is the only martial arts discipline na nagmula sa atin. Kaya napakasaya namin at nabigyan namin ng kasiyahan at karangalan ang bansa,” pahayag ni Zubiri.

“Talagang ayaw ng mga bata na iwan ko ang PEKAF, nagpursige lahat,” pabirong pahayag ni Zubiri.

Sa send-off ng koponan, binangit ni Zubiri na magbibitiw sila bilang pangulo ng PEKAF kung hindi makukuha ang overall title.

“They are all deserving.Todo ensayo ang ating mga atleta.”

Sa World Trade Center, muling nangningning ang 21-anyos na si Wong matapos makamit ang ikalawang gintong medalya sa impresibong performance sa women’s taolu taijijian sa wushu competition.

Nakakuha ang 21-anyos na si Wong ng kabuuang iskor na 9.65 upang makopo ang gold medal sa event na hindi bigo niyangh mapagwagihan sa Kuala Lumpur noong 2017.

“Parang hindi pa nagre-register sa utak ko. I’m still trying to think na parang, nanalo ba talaga ako kasi I’ve been through so much,” pahayag ni Wong. “I’m very honored to have this opportunity talaga.”

Nauna ng nagwagi ng gold medal si Wong sa taijiquin sa pagbubukas ng kompetisyon nitong Linggo, sapat para maging unang Pinay ngayong edisyon na nakapagwagi ng double gold medal.

Pumangalawa sa kanya at nag-uwi ng silver medal ang Vietnamese na si Thi Minh Huyen Tran makaraang makakuha ng iskor na 9.63 habang napunta naman sa Brunei entry na si Basma Lachkar ang bronze (9.62).

Nagwagi naman ng bronze si Jones Llabres Inso nang tumapos sila nina Johnzenth Gajo at Thornton Sayan na pangatlo sa taolu duilian.

Nakakuha ang Filipino trio ng iskor na 9.49 kasunod ng gold medalist na Indonesia (9.54) at silver medal winner Brunei (9.50).

Sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan at pagkansela ng ilangh laro dulot ng malakas na ulan dala ng bagyong ‘Tisoy’, nanatiling mainit ang kampanya ng Team Philippines na humaraibas sa overall team standings tangan ang 41 ginto, 24 silver at 15 bronze para sa kabuuang 80 medalya.

Nakabuntot ang Vietnam (18-24- 18/60), Indonesia (11-14-13/38), Malaysia (10-2-8/20) at Thailand (7-9-16/32).

-ANNIE ABAD