CAPAS -- Target ng pinakamatibay na babae sa larangan ng marathon sa Southeast Asia na maitala ang makasaysayang back-to-back title sa kanyang pagsibat sa 30th SEA Games sa Disyembre 6 sa New Clark City Pampanga.

TABAL! Uulit sa women’s marathon.

TABAL! Uulit sa women’s marathon.

Siniguro ng 30-anyos na si Tabal na isang magandang laban ang ibibigay niya para sa Pilipinas.

“You’ll be expecting a good fight for the gold,” pahayag ni Tabal sa isinagawang press launch ng ASICS shoes na ginanap sa Athlete’s Village nitong Lunes.

“Sa season’s best, out of 8, ako yung nangunguna. Pero siyempre we need to be prepared kasi mahigpit kalaban ang Vietnam, Thailand. My coach, my team is already preparing for the competitions, we already prepared for the worst,” pahayag ni Tabal.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Ayon kay Tabal, buo ang suporta na kanyang nakukuha buhat sa gobyerno, pati na sa mga pribadong sektor na gaya ng ASICS, kung saan anim na taon na niyang ‘Godfather’.

“Asics’ is supporting me since 2013. Sa competition and training abroad, financially, aside from the apparels they are giving and they are giving more inspirations. So to me as an athlete, I just aim to be better and better everyday,” pahayag ni Tabal.

Inilunsad ng ASICS ang Autumn Winter 2019 Collection na ginanap sa mismong ASICS House sa loob ng New Clark City Athletes’ Village.

Ang nasabing event na dinaluhan ng mga mediamen na kasalukuyang nagkokober ng 30th SEAG ay dinaluhan din ng mga importanteng tao ng ASICS partikular na ng Director, Senior Director Sports Marketing Division/Marketing Division, at Brand Strategy of ASICS Corporation na si Naoki Matsushita.

Bukas ang ASICS House sa publiko sa kabuuan ng SEA Games 2019 para sa mga bagong model na kanilang iniendorso sa taong na may limitadong edisyon lamang.

“My target, of course, is nothing less than the gold. But anything can happen during the race. All that I can say is that we’re already prepared our strategies,’’ sambit ni Tabal.

Tangan ni Tabal ang winning time na 2:48.26. Nakuha niya ang personal best na 2:43.31 sa Canada may tatlong taon na ang nakalilipas.

‘’Continue supporting our athletes. Asics is not treating me simply fort marketing, but as part of its family. I am very grateful,” aniya.

-ANNIE ABAD