HINDI binigo ni Carlos Yulo ang sambayanang Filipino nang ibigay nya sa bansa ang unang gold medal sa men’s artistic gymnastics ng 30th Southeast Asian Games makaraang manguna sa individuall all-around event noong Linggo ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum.

Nakatipon ang Artistic Gymnastics World Championships gold medal winner na si Yulo ng kabuuang 84.900 sa anim na routines upang matalo si Dinh Phuong Thanh ng Vietnam na nagposte ng 82.350 para sa silver medal.
Tumapos namang pangatlo ang isa pang Vietnamese gymnasts na si Le Thahn Tung na nakatipon ng 81.700 para sa bronze medal.
Dinomina ni Yulo ang mga katunggali sa floor exercise, sa mismong routine kung saan sya nagwagi sa nakalipas na Artistic Gymnastics World Championship matapos nyang umiskor ng 14.650.
Pumangatlo naman ang 19-anyos nna si Yulo sa pummel horse sa nakuha nyang iskor na 13.600, pangalawa sa still rings kung saan binigyan sya ng iskor na 13.600 at gayundin sa vault at parallel bars sa natipon nyang 14.550 at 14.400 ayon sa pagkakasunod.
Dahil sa kanyang pagtatapos sa top 2 ng mga routines, nag-qualify si Yulo sa finals ng anim na apparatus sa individual competition ng men’s artistic gymnastics.
-Marivic Awitan