Magsisimula na ngayong gabi ang pinakahihintay na pagsabak sa aksiyon ng Philippine women’s volleyball squad sa 30th Southeast Asian Games sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Hangad ng Nationals na maibalik ang bansa sa dating pedestal na kinaluluklukan nito sa buong rehiyon ng Southeast Asia.
Sisimulan nila ang misyon gamit ang home court advantage sa pagsagupa nila sa koponan ng Vietnam ganap na 6:00 ngayong gabi (Disyembre 3).
Sunod nilang makakatunggali ang defending champion Thailand ss Huwebes -Disyembre 5 sa parehas ding oras bagi ang Indonesia sa Sabado-Disyembre 7.
Pangungunahan ang national team ng mga beteranong sina Alyssa Valdez, Aby Maraño at Jovelyn Gonzaga.
Inaasahan namang makakabalikat nila ang mga nakababata ngunit palabang manlalaro na sina Maddie Madayag, Kath Arado at Eya Laure.
Target ng koponan na wakasan ang 14 na taong medal drought ng bansa sa women’s volleyball ng biennial games.
Samantala, nauna ng nagsimula ng kanilang kampanya ang men’s volleyball team kagabi kontra Cambodia.
-Marivic Awitan