BONGGA ang unang araw ng selebrasyon ng 20th anniversary ng longest-running morning show na Unang Hirit. No other than the President of the Philippines Rodrigo Duterte ang kanilang special guest. Sina Arnold Clavio at Susan Enriquez ang nag-interview kay Pres. Duterte sa Malacañang Palace.

DU with Igan & Susan

Ang episode last Monday, December 2, ay titled “Sing-Interview with President Duterte” at hindi nga siya nagkait na iparinig ang paborito niyang awitin, ang Ikaw. Iba-ibang topic ang pinag-usapan sa interview, at isa rito ay natanong ang Pangulo kung kakantahan niya si Vice-President Leni Robredo, ano ang kantang idi-dedicate niya rito. Tinimbang Ka Nguni’t Kulang daw ang kakantahin niya.

Ang said interview ay tatalakay sa iba’t ibang topic, isa na rito ang ongoing South East Asia (SEA) Games, at mapapanood sa tatlong bahagi sa show.

'I was young, wild, and free!' Ellen Adarna inaming ‘hubadera’ siya noong 2016

Tulad nang sinabi nila noong mediacon, may babalik na mga dating hosts ng show para makisaya sa kanila, bumalik nga si Miriam Quiambao, Oscar Oida at Pia Arcangel.

Muli ring napanood ang alter ego ni Arnold, si Arn Arn, na si Mang Totong sa totoong buhay. Dalawang taon pala itong nawala dahil nagkasakit at ngayong magaling na siya, pumayag siya muling maging si Arn Arn.

Namigay nga sila ng mga regalo sa mga televiewers. Sa Valenzuela Park in Bulacan, naroon ang ilang mga UH hosts at may mga kinuha silang mga netizens na pinabunot nina Suzy Entrata at Luanne Dy sa isang box, at nakakuha sila ng tig-1 thousand at 500 hundred peso bill, pero may isang nakakuha ng 20-peso bill lamang. Hindi siya nagreklamo, pero nasorpresa siya nang sabihin ni Suzy, “since nagdiriwang po kami ng 20th anniversary namin, papalitan ko ang inyong 20 pesos ng 20 thousand pesos.”Ang ganda raw ng papasko sa kanya ng Unang Hirit, maibibili niya ng regalo sa Pasko ang kanyang mga apo.

Isa namang UH viewer na natawagan nila sa telepono ang nakatanggap ng isang bedroom showcase. Pero ang isang malaking premyong matatanggap ng mga listeners ay isang brand new house and lot. Ipinaliwanag nila kung paano sila makakasali rito, tingnan lamang ninyo sa kanilang Unang Hirit Facebook page.

Nagparinig din ng isang awit ang Final 5 ng The Clash bago natapos ang programa.

-NORA V. CALDERON