HINDI pa man sumasalang si Hidilyn Diaz, kumolekta na rin ng medalya ang mga Filipino weightlifters noong Linggo sa opening ng kompetisyon sa 30th Southeast Asian Games sa Ninoy Aquino Stadium.

Kumopo si John Fabliar Ceniza ng silver medal sa men’s 55-kilogram division matapos makabuhat ng 252 kilos, habang nagwagi naman si Mary Flor Diaz ng bronze sa women’s 45kg class sa nabuhat nitong 159 kilos.

Kahapon habang isinasara ang pahinang ito ay kasalukuyan namang lumalaban ang Olympian na si Diaz sa women’s 55kg class kung saan target nito ang una nyang SEA Games gold. Pumangalawa si Ceniza sa Vietnam lifter na si Lai Gia Thanh na nakabuhat ng kabuuang 264 kilos.

Tumapos namang pangatlo ang pinsan ni Hidilyn na si Mary Flor sa gold-medalist na si Vuong Thi Huyen ng Vietnam at silver medal winner Setiawati Lisa ng Indonesia.

-Marivic Awitan

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics