SANAY sa pagtuntong sa podium si Wushu star Agatha Wong, ngunit sa pagkakataong ito luha ang mas nangibabaw sa masayang pagkakataon.

Nanatiling reyna ng Taolu Taijiquan discipline si Agatha Wong nang madepensahan ang korona sa 30th Southeast Asian Games nitong Linggo at inialay ang tagumpay sa pumanaw na batang teammate.

“I would like to dedicate my performance to my old team mate Rastafari Daraliay who recently passed away,” pahayag ni Wong, nakapagtala ng 9.67 puntos para maitala ang back-to-back title sa biennial meet.

Aksidenteng nasawi ang Batang Pinoy protegee nang aksidente itong mahulog sa tinutulugang double-deck bed sa wushu athletes’ dormitory sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“This is for him. I also dedicate my performance to my family. They’ve been supporting me since January,” aniya.

Nakopo ni Basma Lachikar ng Brunei Darussalam ang silver medal sa naiskor na 9.55, habang bronze medalist si Vietnam’s Thi Minh Huyen Tran (9.53).

Nakapag-ambag si Daniel Parantac ng bronze medal sa Men’s Taolu Taijiquan (9.56).Nakamit ng Malaysia ang gintong (9.68) kasunod ang Brunei.

-Marivic Awitan