PARANG hindi makapaniwala ang mga pioneer hosts ng longest-running morning show na Unang Hirit, na magsi-celebrate na sila ng 20 years of great mornings na magsisimula ang week-long pagbibigay ng saya sa mga televiewers bukas, December 2, hanggang sa Friday, December 6.

UH hosts 20th anni

Sina Arnold Clavio, Suzi Entrata-Abrera at Lhar Santiago ang mga pioneer hosts ng show at ngayon, kasama na nila sina Lyn Ching, Love Anover-Lianko, Susan Enriquez, Connie Sison, Ivan Mayrina, Luane Dy at ang bagong addition, si Mariz Umali na pumalit sa nag-migrate sa Canada, si Rhea Santos. May team of experts din sila, sina Nathaniel “Mang Tani” Cruz na nagbibigay ng ulat sa lagay ng panahon, Atty. Gabby Concepcion sa mga legal matters at si Mareng Winnie Monsod. At ngayon, may mga UH katambays na sila, sina Boobay, Juancho Trivino at Joyce Pring at may mga kasama na silang tinawag na Mga Batang UH, sina Yuan Francisco, Angelica Ulip, at Leanne Bautista na mahuhusay ring mga child actors.

Isinabay na rin sa mediacon ang muli nilang pagri-renew ng contract kina GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon na nagsabing “Institusyon na sila sa Unang Hirit kaya talagang nagagalak tayo na hanggang ngayon at sa mga darating pang taon ay mananatili sila sa Unang Hirit. Dalawampung taon na ag UH sa atin, I wish them another 20 successful years.”

Pagpapakatanga requirement sa pag-ibig, sey ni Papa Jack

At si GMA Network President and COO Gilberto R. Duavit: “Kumbinasyon ng maraming bagay kaya nagtatagal ang show – ang husay nila individually at ‘yung nadadala nilang kasiyahanb at impormasyon. Magandang umpisahan ang umaga kasama sila. Individually, they are highly talented and great people so ngayon 20-years, baka sa susunod pang 20 taon makakasiguro tayo na ang pinakamahusay na barkada sa umaga ay magpapatuloy, kaya nagpapasalamat tayo sa kanila. Sila’y tumatayong ehemplo ng kaisahan at integridd at maraming bagay na kahanga-hanga. So, maraming salamat sa kanilang lahat.”

This week marami silang ibibigay na mga special episodes at susorpresahin sila sa pagdalo ng mga dating hosts ng show. Magbibigay rin sila ng special prizes tulad ng home appliances, furniture, negosyo packages at mga gadgets. Isang lucky loyal viewer ang magkakaroon ng chance na manalo ng isang brand-new house and lot.

Tumanggap na rin ng mga malalaking awards ang Unang Hirit mula sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) sa Best Live Special Event Coverage Award sa Vatican and Italy ni Susan Enriquz at Live Sa Holy Land ni Rhea Santos sa magkasunod na taon.

-NORA V. CALDERON