Clark Pampanga -- Matapos ang pinaguusapang opening ceremonies, agad na gumawa ng ingay ang Pinoy dancers sa nakamit na limang gintong medalya sa dance sports ng 30th Southeast Asian Games nitong Linggo sa Royce Hotel dito.
Ang tandem nina Sean Mischa Aramark at Ana Leonila Manalo Nualla ay na nanaig sa single dance Tango mixed, Viennese waltz at Open standard.
Nauna rito, nagpakitang gilas ang tambalan nina Mark Jayson Gauyon at Mary Joy Renigen na nanaig sa waltz and foxtrot.
“Hindi pa siya nagsi-sink in, pero unti-unti na,” pahayag ni Nualla. “Nabawasan kami ng sobrang laking pasanin, pero sobra namang saya.”
“Itong gold medals namin, itong panalo namin para sa bayan ito,” pahayag naman ng 23-anyos na si Aranar.
Nabigo sina Gayon at Renigen na walisin ang event na nilahukan nang mabigo sa standard category laban sa Vietnam.
May anim pang event ang paglalabanan sa latin category at dalawa sa nagbabalik na event na breakdancing na natigil sa nakalipas na 12 taon.
-Annie Abad