ISASABAK ng Thailand ang champion squad sa pagtatangka na mapanatili ang overall title sa sports sa 30th Southeast Asian Games na magsisimula ngayon sa New Clark City sa Tarlac.

Pangungunahan ang Thailand nina Aumpawan Suwannaphruk at Sarawut Sriboonpeng, ang 2017 mixed double gold medalists.

Nakamit ng Thais ang dalawang ginto, apat na silver at isang bronze medal sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hindi naman pahuhuli ang Team Philippines sa mixed category.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Pambato ng bansa sina Julius Philip Bon, Mark Anthony Bon, Nelson Dela Noche, Joshua Fuentes, Ambrocio Gotiñas at Angelo Joseph Sangalang sa men’s division, habang lalaban sina Leonita Banlat, Arnett Dionicio, Nelia Lara, Honelyn Leonardo, Alejandra Orola at Ma. Corazon Soberre sa women’s squad